• March 23, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Willie Revillame, mamimigay ng P5-M sa mga jeepney drivers

Ngayong linggo na umano matatanggap ng mga jeepney drivers ang tulong pinansyal na ipinangako ni Willie Revillame sa gitna ng Coronavirus Disease (COVID-19) pandemic sa bansa.

 

Ayon sa 59-year-old TV host/actor, personal niyang ipapamahagi ang P5 million cash na paghahati-hatian ng mga tsuper ng jeepney.

 

Katunayan ay nagkausap na aniya ang mga abogado ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ang kanyang legal advisers para maisapinal kung saan kukunin ang cash aid na mula mismo sa kanyang ipon.

 

“Ako ho mismo ang magbibigay nung cash niyo at para sa grupo niyo,” saad nito.

 

Una nang nilinaw ni Revillame na bukal sa kalooban at hindi lang “pagbubuhat ng sariling bangko” ang kanyang naging hakbang.

 

Kung maaalala, naglaan din si Willie ng P100,000 bawa isa para sa naulilang pamilya ng apat na Pinoy workers na biktima ng pagsabog sa Lebanon na kumitil ng maraming buhay nitong August 4. (Ara Romero)

Other News
  • Maharlika wealth funds ‘advantageous’ sa Pilipinas ayon kay PBBM

    DINEPENSAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagtatayo ng Maharlika Wealth Fund na siyang magbibigay daw ng dagdag na investments sa bansa.     Sa kanyang unang public statement sa kontrobersyal na bill, sinabi ng president na naniniwala siyang magiging “advantageous” ito sa bansa. “ For sure, I wouldn’t have brought it up otherwise.” […]

  • “SCREAM” RATED R-16 WITHOUT CUTS, HOLDS SNEAKS ON FEB 1st

    MANILA, January 25, 2022 — Paramount Pictures has just announced that its US No.1 box-office hit Scream will hold special sneak previews in selected cinemas nationwide on Tuesday, February 1st.   Horror fans are advised to check with their favorite theaters for the screening hours and ticket prices.     [Watch the sneaks announcement video at https://youtu.be/rnUeWdf3T6I]     […]

  • POC nagsumite na ng mga sports na sasalihan ng Pilipinas sa 2022 Asian Games

    Maaga pa lamang ay inilabas na ng Philippine Olympic Committe (POC) ang bilang ng mga sports na sasalihan ng bansa sa 2022 Asian Games.     Gaganapin ang nasabing torneyo sa Setyembre 10 hanggang 25 sa Hangzhou, China.     Ilan sa mga dito ay ang aquatics, archery, athletics, baseball, softball, men’s basketball, men’s 3×3 […]