Willie Revillame, naipamigay na ang P5M ayuda para sa higit 3,000 jeepney drivers
- Published on August 21, 2020
- by @peoplesbalita
Maayos na naipamahagi ni Willie Revillame ang limang milyong pisong ayuda para sa jeepney drivers ngayong Miyerkules ng tanghali, August 19.
Personal itong inasikaso ni Willie.
Sa central office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) tinipon ang transport leaders at jeepney drivers na hindi miyembro ng kahit anong transport group.
Nakatanggap ng PHP1,449,500 ang Pasang Masda, na tinanggap ng kanilang leader na si Ka Obet Martin.
Ang grupong ALTODAP naman na pinamunuan ni Boy Vargas ay nakatanggap ng PHP1,132,500.
Nabigyan din ang isang grupo ng mga jeepney drivers ng PHP342,000, at ang mga driver na may biyaheng Tandang Sora-Visayas Avenue ay tumanggap ng PHP298,500.
Bukod sa perang ipinamahagi, namigay rin si Willie ng dalawang libong sakong bigas na pinaghati-hatian ng jeepney drivers. Binigyan din niya ng jacket ang lahat ng nandoon sa LTFRB central office.
Ayon sa LTFRB, umabot sa 3,211 jeepney drivers ang nakinabang sa ayudang ipinamahagi ng Wowowin host.
Sabi naman ni Willie, ang pagtulong na ito para sa PUJ drivers ay mula sa kanyang sariling ipon. Ibinahagi ito ng TV host dahil alam daw niya ang nararamdaman ng mga mahihirap.
“Sa bawat success ko, sa bawat baytang ng buhay ko, hindi ko makakalimutan yung masa, yung mahihirap. Inangat ninyo ako.
“Kung anong meron ako, galing din po sa inyo iyan,” bahagi ng pahayag ni Willie sa harap ng mga jeepney drivers at iba’t ibang transport leaders.
Nangako si Willie na sa susunod na buwan ay mamimigay siya uli ng limang milyong piso para sa bagong batch ng jeepney drivers.
“Sana, all.”
Emote iyan ng ibang jeepney drivers na hindi kasama sa unang batch ng nabiyayaan ng ayuda ni Willie.
Salamat at may second batch pa ng jeepney drivers na makatatanggap ng ayuda.
-
PBBM sinabing mahalaga ang tiwala para makamit ang peace and stability sa Asya
NANINIWALA si Marcos Jr., na ang pagtitiwala ang siyang basehan para makamit ang peace and stability sa rehiyon, partikular sa gawa hindi sa salita. Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa kaniyang intervention sa 50th ASEAN-Japan Commemorative Summit sa kabila ng mga naiulat na paglabag sa international laws sa geopolitical environment sa Asya. […]
-
AUSTRALIAN HACKER, DI PINAPASOK SA BANSA
PINAGBAWALAN ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Australian hacker na nagtangkang pumasok ng Pilipinas. Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco, na nasabat ng pamunuan ng BI’s Border Control and Enforcement Unit (BCIU) ang tangkang pagpasok ni Risteski Borche, 40, sakay ng isang Cebu Pacific flight mula Sydney sa Ninoy Aquino International […]
-
CATRIONA, may 12M followers na sa Instagram; makakasama si NICOLE na magho-host ng ‘Binibining Pilipinas’
PASOK pa rin sa Top 5 si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa most followed Pinay celebrities on Instagram na ngayon ay umabot na sa 12 million. Nangunguna pa rin si Anne Curtis na may 16.8M, kasunod sina Liza Soberano – 15.8M, Kathryn Bernardo – 15M at Pia Wurtzbach – 12.3M. Kaya naman ganun na lang ang pasasalamat ni Queen Cat sa lahat ng nagpa-follow sa kanyang IG account. […]