Window hour scheme para sa mga provincial buses, pinaiimbestigahan
- Published on April 28, 2022
- by @peoplesbalita
PINAIIMBESTIGAHAN ng mga mambabatas ang ipinatutupad na window hour scheme para sa mga provincial buses makaraang ma-stranded ang maraming pasahero sa mga bus terminals nitong nakalipas na linggo.
Sa House Resolution No. 2562, hiniling nina Bayan Muna Reps. Eufemia Cullamat, Carlos Zarate, at Ferdinand Gaite sa House Committee on Transportation na siyasatin ang bagong polisiya na ipinatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon sa mga mambabatas, maraming pasahero ang naapektuhan ng naturang window-hour scheme.
Una nang ipinatupad ng MMDA ang window hours para sa mga provincial buses mula alas-10 ng gabi hanggang ala-5 ng madaling araw.
Dala ng bagong polisiya, nagpalabas ng travel advisories ang ilang provincial bus companies para sa departures at arrivals schedule sa kanilang Metro Manila terminals na 10 p.m. hanggang 5 a.m. (ARA ROMERO)
-
PNP: Online scammers kakalat ngayong Kapaskuhan
PINAG-IINGAT ng Philippine National Police (PNP) ang publiko sa mga online transactions na posibleng samantalahin ng mga scammer habang papalapit ang Pasko. Ayon kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, inaasahan na ang paggamit ng online transactions ngayong holiday season kaya nakatutok ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) upang naiwasan at mapigilan ito. […]
-
Ads July 31, 2020
-
Ads July 4, 2022