Winner ang experience niya sa ‘BIFF’: ROCCO, pinuri ang Barong Tagalog ng Korean Oppas na naka-bonding sa event
- Published on October 22, 2024
- by @peoplesbalita
HINDI man nanalo ang pelikula nilang Motherland, winner pa rin ang experience ng Kapuso actor na si Rocco Nacino sa pagdalo niya sa Busan International Film Festival.
Proud na ipinakita ng aktor ang kaniyang Barong Tagalog na pinuri ng mga Korean Oppa na naka-bonding sa event.
Nagpunta kamakailan si Rocco sa South Korea para dumalo sa Busan International Film Festival at nakita niya ang ilang kilalang Korean stars katulad nina Song Joong Ki, Ji Chang Wook, Yoon Kyung Ho, at Jung JinYoung.
Nakita rin niya sina Park Seo-Joon at Yim Siwan na pareho umanong awardees sa BIFF.
“It was really the barong ang nagkuha ng interes nila kung paano ako nagkaroon ng paraan na makausap sila,” sabi ni Rocco.
Kuwento ni Rocco ay nagkatinginan sila ni Ji Chang Wook at bilang courtesy ay lumapit siya at nagpakilala sa aktor. Very welcoming ang Korean stars sa kaniya habang nandoon sila.
Nakita rin niya si Song Joong Ki, ang aktor na gumanap bilang the Big Boss sa Korean Drama series na ‘Descendants of the Sun’, ang parehong karakter na ginanapan naman ni Dingdong Dantes sa Philippine adaptation habang si Rocco naman ang gumanap bilang bestfriend nito.
“Binuksan ko kaagad ‘yung telepono ko, ‘Sir, it’s nice to meet you, I’m an actor from the Philippines. Can I show you this?’
“Pinakita ko sa kaniya ‘yung mga photos namin nila Dingdong (Dantes). Sabi niya, ‘Woah! What’s your name?’ Humaba na ‘yung kuwentuhan namin,” paglalahad ni Rocco.
Pinadala rin niya ang litrato nila ni Joong Ki sa group chat nila ng kaniyang co-stars sa ‘Descendants of the Sun’ at sinabing “nagwawala sila” noong nakita ang litrato.
“Bakit ko katabi si Song Joo-Ki at never daw ‘yun nangyayari sa isang Filipino,” pag-alala ni Rocco.
Nakilala rin niya ang bida ng hit Korean series na ‘Squid Game’ na si Lee Jung-Jae at sinabing nagustuhan umano ng Korean star ang kaniyang barong.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Pangangampanya sa Holy Thursday, Good Friday bawal – PNP
PINAGBABAWAL ang pangangampanya sa April 14, Holy Thursday at April 15, Good Friday. Ito ang paalala ni Philippine National Police chief General Dionardo Carlos sa lahat ng mga kandidato ngayong eleksyon. Ayon kay Carlos ito ay batay sa calendar of activities na ipinasa ng Commission on Elections (COMELEC) at pagbibigay respeto […]
-
Michele, kinumpara kay Pia na tatlong beses natalo pero nanahimik lang
SIMULA na ng mga sleepless night ng actress na si Ryza Cenon dahil sa kanyang bagong silang na anak, ang kanyang panganay na anak at baby boy na si “Night.” Ipinanganak nga ni Ryza ang baby nila ng kanyang live-in partner na si Miguel Cruz noong madaling-araw ng October 31 at 13 oras siyang […]
-
2.2 milyong mag-aaral, mabebenepisyuhan ng ‘Libreng Sakay’ ng LRT-2
INIHAYAG ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Atty. Hernando T. Cabrera na tinatayang aabot sa 2.2 milyon ang mga mag-aaral na makikinabang sa ‘Libreng Sakay’ program na ipagkakaloob ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa unang quarter ng School Year 2022-2023. Ayon kay Cabrera, ang ‘Libreng Sakay’ program ng LRT-2 ay […]