• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wish ng fans na mabuntis na sa 2024: SARAH, hindi napi-pressure sa pagkakaroon ng baby

MARAMING fans ni Sarah Geronimo ang nalungkot sa pagkaka-postpone ng concert nito kasama si Bamboo sa Clark, Pampanga.
Medical reason ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang naturang concert. Inabisuhan daw si Sarah ng kanyang doktor na magpahinga muna.
“Medyo nagkulang po ng preparations vocally and physically. so medyo it took a toll doon sa vocal chords ko. Kapag kasama mo kasi talaga si Bamboo, all out ka talaga, eh. But recovering naman po,” paliwanag ni Sarah.
Gusto nga raw bumalik din ni Sarah sa pag-arte, pero ngayon ay magiging busy sila ng mister niyag si Matteo Guidicelli sa pag-manage ng kabubukas lang na G Studios.
“Our vision, our dream has come to life. Of course, ang asawa ko malakas sa manifestation iyan eh. Nag-umpisa lang po ‘yan sa mga shoot namin na ginagawa namin during the lockdown.
“Nagkatotoo na nga. It was all kumbaga laro-laro lang during the pandemic. We started G Productions, which produces Sarah’s concerts also together with Viva. We decided to do a physical studio kasi wala pang studio dito sa south.
“This studio, we named it as the creative space in the south where collaborations with different artists, and nurturing different artists can take place,” sey ni Matteo.
Marami pa ring ang nag-aabang kung kelan magkakaroon ng sariling baby ang dalawa. May mga fans na nagdarasal na sana sa 2024 na Year of the Dragon ay magbuntis na si Sarah.
Pero si Sarah, ayaw magpa-pressure sa pagkakaroon ng baby. Darating daw iyon sa tamang panahon.

 

 

***

 

EXCITED na ang mag-asawang Aicelle Santos at Mark Zambrano dahil malapit nang isilang ang second baby nila.

 

 

Sa Instagram,  nag-share si Mark ng isang kopya ng pregnancy ultrasound, kung saan ipinasilip ang baby nila ni Aicelle.

 

 

Caption ni Mark: “Hello, anak! Thanks for opening your eyes and winking at us! I can’t wait to hold you in my arms!”

 

 

Noong June 2023 in-announce nila Aicelle at Mark na magkakaroon na sila ng second baby. Kaya napahinga muna si Aicelle sa pagkanta dahil naging maselan ang pagbubuntis nito.

 

 

Mag-turn 3-years old na sa December ang panganay nilang si Zandrine Anne na hindi na rin nakapaghintay sa paparating niyang kapatid.

 

 

***

 

 

NAGLABAS ng bagong single under AltG Records ang singer-songwriter and multi-instrumentalist na si Anton Paras na ang titulo ay “Can’t Wait”.

 

 

Ayon sa singer: “The song is about a guy expressing how he feels about his long-distance relationship with the love of his life. It is inspired by the emotional challenges faced by long-distance couples and families with loved ones working abroad, especially Overseas Filipino Workers (OFWs).

 

 

“I decided to create ‘Can’t Wait’ because of our fellow countrymen working abroad. I wanted to make a song that they could relate to, something that could serve as an inspiration for what they are going through, to help them cope with homesickness. Even in long-distance relationships, I believe that at the right time, they will come together in the end.”

 

 

Available na on all digital platforms worldwide ang Can’t Wait under AltG Records.

(RUEL J. MENDOZA)
Other News
  • MPD DIRECTOR, NAG-INSPEKSIYON SA MANILA NORTH CEMETERY

    NAG-INSPEKSIYON sa Manila North Cemetery (MNC) si MPD Director Police Brig General Leo Francisco isang linggo bago ang pansamantalang pagsasara nito sa Oct.29       Sa kanyang pag-iikot, nagpaalala si Francisco sa mga magulang na huwag nang magsama ng mga bata sa sementeryo kapag sila ay dadalaw sa mga yumao.       Aniya […]

  • Utang ng Pinas, lumobo sa P14.35 trilyon

    LUMOBO pa sa P14.35 trilyon ang utang ng Pilipinas nitong katapusan ng Agosto.     Sinabi ng Bureau of Treasury (BoT) na ang kabuuang utang ng bansa ay tumaas ng P105.28 bilyon o 10.7 percent mula noong Hulyo dahil na rin sa pagbaba ng piso mula 54.834 hanggang 56.651 laban sa dolyar.     Sa […]

  • Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID-19

    Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang na maaari […]