• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wish ng fans na magkaanak na sila ni Kat: CHRISTIAN, ‘di pa rin makapaniwalang 20 years na sa showbiz

HINDI makapaniwala si Christian Baustista na dalawang dekada na siya sa showbiz at bilang pasasalamat sa mga sumuporta sa kanya, may pinaghahandaan itong anniversary concert ngayong January.

 

Nagpapasalamat ang tinaguriang Asia’s Romantic Balladeer na maayos at malakas ang kanyang pangangatawan para magawa niyang ma-celebrate ang 20 years sa industriya.

 

“We’re gonna obviously reminisce through my music in the past 20 years. Hopefully some of my friends from the past 20 years in the industry will be able to go as well para we can connect and reconnect as well. Most importantly it’s a thanksgiving also for the fans,” ,” pang-anyaya pa ni Christian sa kanyang ‘The Way You Look At Me Thanksgiving Concert’ sa January 28 sa Samsung Performing Arts Theater in Makati City.

 

Sa February naman ay magkakaroon siya ng Valentine show sa Indonesia kunsaan marami pa rin siyang mga tagahanga. Magsisimula na rin sa taong ito ang The Clash Season 5 sa GMA.

 

Nagsimula makilala bilang singer si Christian noong 2003 dahil sa pagsali niya sa singing competition ng ABS-CBN na Star In A Million. Kahit hindi siya ang naging winner, kinontrata siya ng Warner Music Philippines at tumanggap ng multi-platinum records ang kanyang self-titled debut album. Naging hit ang single niyang “The Way You Look At Me”, hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati na sa ibang Asian countries tulad ng Indonesia, Singapore, Malaysia and Thailand. Kaya siya nabigyan ng titulong Asia’s Romantic Balladeer.

 

 

Wish naman ng netizens at fans ni Christian ay ang magkaroon na sila ng anak ng misis niyang si Kat Ramnani dahil ito na lang daw ang kulang sa buhay niya.
Four years na raw kasi silang kasal at panahon na raw na magkaroon na sila ng baby.
(RUEL J. MENDOZA)
Other News
  • PBBM, opisyal na na-switch on ang San Juanico Bridge lighting project

    PORMAL nang “naka- switched on” ang  San Juanico Bridge aesthetic lighting project, gabi ng Miyerkules.     Itinuring  ito ng  Samar provincial government  bilang “something that will rewrite history.”     Nauna rito, pinangunahan ni Pangulong Marcos  ang nasabing event. Dumating ang Pangulo sa tulay ng alas- 7 ng gabi, Oktubre 19  para sa opisyal […]

  • Kaso ng pertussis, tigdas lumobo – DOH

    HINIKAYAT ng Department of Health (DOH) ang publiko na magpabakuna matapos ang biglang pagtaas ng bilang ng mga naitatalang kaso ng pertussis o ubong dalahit at measles o tigdas sa bansa.     Sa datos ng DOH, sa unang 10-linggo ng nakalipas na mga taon ay mababa lamang ang naitatalang mga kaso ng pertussis.   […]

  • SolGen, hinihintay ang “go signal” ni PBBM para isumite ang draft EO ukol sa independent body na magiimbestiga sa drug war

    NAGHIHINTAY lamang ng “proper signal” ang tanggapan ni  Solicitor General Menardo Guevarra mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bago isumite ang panukalang paglikha ng  independent body na mag-iimbestiga sa pagpatay na inuugnay sa  drug campaign ng Duterte administration.  Sinabi ni Guevarra sa isang panayam na ang Office of the Solicitor General (OSG) ay lumikha ng isang […]