• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wish ni Megastar na maging real friends na sila: SHARON at GABBY, nag-hug at nag-kiss sa ‘di inaasahang pagkikita

SI Gabby Concepcion ang unang sumalang sa presscon ng ‘Dear Heart The Concert’, ang most anticipated grand reunion nila ni Megastar Sharon Cuneta at historic moment sa Philippine entertainment industry ay magaganap na sa SM MOA Arena sa October 27, 2023.

 

At sa naturang presscon, in-announce din almost sold out na ang concert. Pero ang good news ay magkaroon ito ng special ‘Dear Heart VIP Night’ sa Okada Manila’s Grand Ballroom sa October 30, 2023, kaya may chance pa ang ibang fans na masaksihan ng malapitan ang unforgettable momments kasama ng legendary duo.

 

Para naman sa fans sa South, na ‘di makakapunta sa Manila, magkakaroon naman ng ‘InLife’s Dear Heart In Cebu’, na magaganap naman sa November 17 sa NuStar’s Convention Center.

 

Halos isang oras ang interview kay Gabby, na inaming natuwa siya na finally matutuloy na ang pagsasama nila ni Sharon, hindi man natuloy sa reunion movie, isang concert naman ang handog, na siguradong kakikiligan ng mga fans.
Sinabi rin ni Gabby, maganda kung magkakaroon ng special participation ang anak nilang si KC Concepcion, pero wala pa raw silang alam, base sa script na nabasa niya.

 

Kuwento pa ni Gabby, sinasadya raw nila na hindi magkita ni Sharon, kahit sa pictorials at TV guestings ay hindi sila magsasama. Mas maganda raw na sa mismong araw na ng concert sila magkita ng ex-wife.

 

Pero dahil naging maganda naman ang Q&A kay Gabby, na puro good vibes lang, nangyari nga ang ‘di inaasahan, na ikinatuwa ng members of the press at vloggers. Originally, back-to-back ang presscon, na after Gabby’s turn, ay magbi-break muna ng 30 minutes to 1 hour at saka palang papasok si Sharon.

 

Pero nang magpapaalam na si Gabby, dumating naman si Sharon sa Glass Room ng Okada Manila, kaya laking gulat din ng aktor.

 

Kaya sinalubong niya si Sharon inalalayan paakyat at sabay komento na, “sinasabi ko na nga ba eh! Oy, first time kong mahahawakan ang kamay niya oh.” Inabot din niya ang bouquet of flowers at binigay sa dating asawa.
Hirit pa ni Gabo, “sabi ko sa kanila kanina, pagkatapos ko dito, alis na ako, baka hindi na tayo magkita, puwede ba mag-hug bago akong umalis.”

 

Na pinagbigyan naman ni Shawie, at may kasama pang pag-beso.

 

Dagdag hirit pa ng aktor, bago tuluyang umalis, “we’ll see you at the concert. Make them happy ha. Pa-kiss ulit, pa-kiss uli!”

 

Kaya kinilig lahat ng nasa venue, at humihingi pa ng more.

 

Pabirong sabi pa ni Gabby kay Sharon ng, “sa lips naman, biro lang po.”

 

Going back sa concert, ia-announce pa raw lineup ng special guests sa mga darating na linggo, na magdadagdag excitement sa star-studded event.

 

Ayon kay Sharon, in terms of preparation, relax na relax daw siya at good vibes lang. Malaki raw ang adjustment niya in a happy way, looking forward siya na maging masaya ang audience at mapakilig.

 

Natanong si Sharon kung magkakaron sila ng ‘kissing scene’ nila ni Gabby sa concert.

 

“Aba’y kung magkakaroon, hindi sa akin magmumula, babae ako, sorry!” sagot niya.

 

“Pero kung magkakaroon, i will treat it as movie scene. Trabaho lang, walang personalan.”

 

“Mag-ingat siya, baka ma-develop siya,” babala pa ni Mega.

 

Dagdag pa ni Shawie sa isang tanong, “and please, Dear Gabby, ‘wag ka nang na-develop sa akin. Alam ko mahirap, pero kaya mo ‘yan. Baka kasi nagulat siya nang makita ako.”

 

Pakiusap pa ni Sharon kay Gabby para sa kapakanan ng kanilang anak na si KC, na hindi rin niya alam kung may special participation sa kanilang grand reunion,

“We need to work together to help her a better person and please take care of my baby. And I got your back.
“And I hope we can be friends. I mean, real, real friends not yung showbiz-showbiz, di ba? At wala naman reason, not to.”

 

 

Huli ngang nagkita at nagkausap sina Sharon at Gabby noong September 2019 sa ’12th Gabay Guro’, na kung saan kinanta nila ang “Come What May” na tiyak na isa sa hihintayin ng avid ShaGab fans na mapakinggan sa upcoming concerts.

 

At sana nga ito ang simula ng maganda nilang pagkakaibigan, para magtuloy-tuloy ang ‘Dear Heart: The Concert’ at makarating sa America, Canada at iba pang bansa.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Pamasahe sa PUJ tumaas muli ng P1

    TUMAAS ng P1 ang pamasahe sa public utility jeepney (PUJs) simula noong nakaraang Biyernes kung saan ito ay binigyan ng go-signal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos ang hearing na ginawa noong June 28.     Magiging P11 ang miminum na pamasahe sa mga PUJs mula sa dating P10 kung saan ito […]

  • DOJ: Quiboloy kinasuhan na ng sexual, child abuse, human trafficking sa mga korte

    NAGSIMULA na ang legal proceedings sa Davao City Prosecutor’s Office laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder, Pastor Apollo C. Quiboloy at ilang kasamahan.     Kasunod na rin ito ng direktiba mula sa resolusyon na “AAA v. Quiboloy et.al.”, na inilabas noong Marso 25, 2024 ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.     […]

  • Wish niya sa anak na maging tradisyon na ito: SMOKEY, ginawang makabuluhan ang first birthday ni KIKO

    GINAWANG mas makabuluhan ni Smokey Manaloto ang 1st birthday ng kanyang anak na si Kiko sa pagpapasaya ng mga bata sa isang bahay-ampunan sa Rizal.       Sa Instagram, ibinahagi ng aktor ang mga larawan sa birthday celebration ni Kiko na ginawa sa New Faith Family Children’s Home sa Cainta, Rizal.       […]