Witness-suspects vs Teves, ‘umaatras’
- Published on May 18, 2023
- by @peoplesbalita
BIGLA umanong nanahimik ang mga testigong suspek laban kay suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves, Jr. dahilan para muling maantala ang paghahain ng kasong murder sa kongresista.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang muling ‘delay’ sa pangako nilang pagsasampa ng kaso kahapon ng Lunes ay dahil sa pagtanggi nang makipagkooperasyon ng mga nadakip na witness-suspects.
Nang madakip ang mga suspek may 12-14 araw makaraan ang pagpaslang kay Governor Roel Degamo at siyam na iba pa, nakapagbigay sila ng pahayag sa mga prosecutor at sa mga imbestigador ng National Bureau of Investigation (NBI). Tinutulungan sila noon ng mga abogado ng Public Attorney’s Office.
Ngunit biglang nagkaroon na ng mga pribadong abogado ang mga witness-suspects at inabisuhan na manahimik at huwag nang magbigay ng pahayag.
Dahil dito, napilitan ang mga imbestigador na balikan ang kanilang mga naunang pahayag at pag-aralan ang mga rekord ukol sa case building.
“So, we were able to build the case. We were able to get the facts within our knowledge and that went very well. We were able to charge them,” pagtitiyak ni Remulla.
“Some of them have refused to speak already and issued another statement. We suspect they will be changing statements later on, and make recantations of sorts,” ayon pa sa kalihim.
Nananatiling tiwala naman si Remulla sa kaso nila laban kay Teves dahil sa mga naunang pahayag. Sinabi pa niya na maaaring masampahan na ng kaso ngayong linggo si Teves na kabibilangan ng 10 bilang ng murder, ilang bilang ng frustrated murder at attempted murder. (Daris Jose)
-
Nag-comment sa IG post ni Joey tungkol kay BBM: TONI, nabuking tuloy ng netizens ang pagiging ‘stalker’
ANG Love You Stranger na magsisimula ng mapanood sa primetime sa Lunes, June 6 ang full-length serye ng real-life sweethearts na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia at matagal din hinintay na matuloy ito kaya mas special daw sa kanila. Bukod pa rito, first rin ni Khalil as Kapuso. “Lahat naman […]
-
US gymnast Simone Biles nakamit ang ika-6 na Olympic gold medal
NAKAMIT ng US gymnastic star Simone Biles ang kaniyang ika-anim na Olympic Gold Medal matapos magtagumpay sa Women’s All-Around category. Nahigitan nito sa nasabing laban si Rebeca Andrade ng Brazil na itinuturing nitong matinding katunggali. Nakakuha ito ng kabuuang 59.131 points na mas lamang ng 1.199 points laban sa Brazilan gymnast. Ito na ang pangalawang […]
-
5 kulong sa higit P138K shabu sa Valenzuela, Malabon
LIMANG hinihinalang tulak ng iligal na droga, kabilang ang isang lolo ang arestado matapos makuhanan ng higit P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela at Malabon Cities. Ayon kay P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police, dakong ala-una ng madaling araw […]