• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WNBL, NBL mga propesyonal na

KAPWA mga propesyonal na liga na ang Women’s National Basketball League (WNBL) at National Basketball League (NBL) nang bendisyunan ng Games and Amusement Board (GAB) nitong Miyerkoles.

 

Dahil rito, ang WNBL ang magiging unang women’s pro basketball league sa bansa, naunahan pa ang matagal nang plano ng Philippine Basketball Association (PBA).

 

Nasa pitong koponan ang kasalukuyang naglalaro sa WNBL kung saan nangunguna ang mga national cager na sina Janine Pontejos, Afril Bernardino at Gemma Miranda.

 

Ang NBL na ang ikalawang men’s pro hoops league kasunod ng PBA. (REC)

Other News
  • Wanted na rapist, nalambat sa manhunt ops sa Navotas

    LAGLAG sa selda ang isang kelot na wanted sa kaso ng panggagahasa matapos mabingwit ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City.     Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na naispatan sa Brgy. Bangkulasi ang presensya ng 30-anyos na […]

  • Bong Go: POGO isarado kung perhuwisyo

    HINIMOK ni Senator Christopher “Bong” Go ang gobyerno na maingat na balansehin ang perhuwisyo at benepisyo na hatid ng mga Philippine offshore gaming operations (POGOs) sa bansa at tiyakin kung napananatili nito ang kapayapaan at kaayusan, gayundin ang pangangalaga sa buhay ng mga tao.     Ani Go, kung pulos kaperhuwisyuhan lamang at wala nang […]

  • PBBM, aprubado ang shopping festival, pagpapagaan sa visa, immigration process

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukala ng Private Sector Advisory Council’s (PSAC) na maglunsad ng shopping festival sa buong bansa at pagaanin ang visa at immigration process para mas lalo pang mapalakas ang turismo sa Pilipinas.       Ibinigay ng Pangulo ang kanyang go signal sa isang pagpupulong sa Palasyo ng […]