• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Workshop, training at seminar, pinapayagan na sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ ng hanggang 30% capacity

PINAPAYAGAN na ng  Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagdaraos ng  workshops, trainings, seminars, congresses, conferences, board meetings, colloquia, conclaves, symposia, at consumer trade shows.

 

Ang mga nasabing  events ay kailangan na idaos sa mga  venues sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at papayagan lamang ng hanggang  30% venue capacity.

 

Batay sa naging pasya ng IATF, maaaring isagawa ang  mga nabanggit na event sa hotel, restaurant, ballroom and function halls sa luob ng hotel o  hotel premises at mall atria.

 

Kaugnay nito ay inaatasan ang Department of Tourism  at   Department of Trade and Industry na maglabas nang kaukulang guidelines tungkol dito.

 

Samantala, in- adopt din sa isinagawang  87th IATF Meeting ang rekOmendasyon  ng Office of the Cabinet Secretariat  na magpatupad ng  Safety Seal Certification Program bilang karagdagan sa  StaySafe.ph.

 

Ang lahat ng establisimyento gaya ng government offices, private companies, hotels at business establishments at public transportation units ay  required na i- adopt ang Safety Seal.

 

Bukod ditto ay inaatasan din ng  IATF ang  DOH, DOLE, DILG, DOT at DOTr  na magisyu ng memorandum circular para idetalye ang requirement sa pagkakaroon ng Safety Seal na dito ay inoobliga ang pagkakaroon ng Stay Safe application at  QR Code na ilalagay sa entrances ng mga kinauukukang establisyemento. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Worth it ang paghihintay ng limang taon: MARIAN, proud na nakagawa ng magandang serye na kayang panoorin ng mga anak

    SIMULA sa unang araw ng Abril, mamarkahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang kanyang inaabangang pagbabalik sa GMA Prime.   Sa ilalim ng pamumuno ng award-winning director na si Zig Dulay, ipinakita ng “My Guardian Alien” ang pinakahihintay na tandem at hindi maikakaila na chemistry nina Marian bilang Katherine at bankable leading man na […]

  • DOH: Pagluwag ng Metro Manila sa Alert Level 1 sa Disyembre, ‘posible’

    Hindi malayong mailagay sa pinakamaluwag na “alert level system” ang buong Kamaynilaan basta’t masustena nito ang mga tagumpay nito sa laban sa COVID-19 hanggang Disyembre, pagbabahagi ng Department of Health (DOH).     Ito ang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Lunes, kaugnay ng patuloy na pag-igi ng COVID-19 situation sa National Capital Region. […]

  • Ads May 16, 2024