• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

World Dragon Boat hahataw na sa Palawan

AARANGKADA na nga­yong araw ang ICF Dragon Boat World Championships tampok ang matitikas na paddlers mula sa iba’t ibang panig ng mundo na sasabak sa Puerto Princesa Baywalk sa Palawan.

 

 

Pinakamalaki ang de­legasyon ng host Philippines na may 200 entries sa naturang torneo habang ikalawa naman ang India na nagpadala ng 140 entries.

 

 

Masaya si Philippine Canoe Kayak Dragon Boat Federation president Leo­nora “Lenlen” Escollante sa kumpirmasyon ng mga foreign teams.

 

May mahigit 2,000 paddlers mula sa 27 bansa ang lalahok sa edisyong ito ng World Championships.

 

 

“India alone is fielding a 140-strong contingent of paddlers while the Philippines has 200 entries,” ani Escollante.

 

Dadalo sa opening rites si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasama ang ilang mga opisyales para saksihan ang salpukan ng mahuhusay na paddlers sa mundo.

 

 

“It is truly an honor that the Chief Executive is coming over. I was shocked when the Office of the President confirmed it last Monday. Now event Puerto Princesa City government officials informed me confirming that he, indeed, is coming over,” ani Escollante.

 

 

Matatandaang idinek­lara ni Marcos na ang cen­tennial anniversary ng International Canoe Fe­deration ay magiging “Mo­ving Forward Paddling Week Philippines” na nasa Proclamation No. 699.

 

Other News
  • JK, kinakiligan sa IG post pero may nagbabala sakaling manalo si MAUREEN sa ‘MUP’

    SA Instagram post ng singer na si JK Labajo nanawagan siya sa kanyang followers para suportahan ang kanyang girlfriend.     Kasama ang isang photo nakaka-beauty queen, nilagyan niya ito ng caption na, “Hi po gud pm sa inyong lahat paki download po yung miss universe ph app tapos paki vote po yung crush ko […]

  • Pamilya Corona, naniniwalang ‘vindication’ ang pagbasura ng Sandigan sa forfeiture case

    LABIS na ikinagalak ng pamilya ni dating Chief Justice Renato Corona ang desisyon ng Sandiganbayan na nagbabasura sa P130.59 milyong forfeiture case na isinampa laban sa kanila noong 2014.     Ayon sa abodago ng pamilya Corona na si Atty. Carlos Villaruz, itinuturing nila itong “vindication” para sa nasirang Punong Hukom na hinatulang “guilty” ng […]

  • Tatakbo raw na congresswoman sa Maynila: GRETCHEN, bali-balitang papasukin na rin ang mundo ng pulitika

    GAANO kaya katotoo ang tsika na mula sa isang source na isang pulitiko na malaki raw ang posibilidad na papasukin ng aktres na si Gretchen Barretto ang mundo ng pulitika ngayong 2025 elections?   Tatakbong kongresista sa isang district ng Maynila si Gretchen. At ang nagpapatakbo siyempre ay no less than ang kilalang negosyante na […]