• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

World No. 6 Greek netter, papalo kontra Pinoys

MAKATITIKIM ang Pilipinas ng world-class tennis kapag sinagupa si world No. 6 Stefanos Tsitsipas at liyamadong Greece sa World Group II Davis Cup tie sa Marso 6 at 7 sa Philippine Columbian Association clay court sa Paco, Maynila.

 

Lalabanan ng mga Pilipinong netter si Tsitsipas at ang mga Greek matapos isagawa ng Davis Cup organizers ang bagong format na nagbigay daan para maitakda na non-Asian ang kalaban sa unang pagkakatoan sapul na makahampasan ang Swedes sa 1991 World Cup qualifier.

 

“We’re looking forward to a really tough duel but we’ll try to use the experience to toughen up the team,” pahayag ni PH non-playing captain Chris Cuarto.

 

Bubuo sa PH squad sina Francis Casey Alcantara-Jeson Patrombon tandem, Alberto Lim Jr., Eric Olivarez Jr. at Fil-Am Ruben Gonzales.

 

Ang magkapatid na Tsitsipas kasapa ang nakababatang si Petros, at sina Michail Pervolarakis at Markos Kalovenolis ang ibang miyembro ng dayuhang koponan kung saan si Dimitris Chatzinikolaou ang skipper.

 

Pero nakatutok ang lahat sa talento ni Tsitsipas na inaasahang magbibigay problema sa mga Pinoy.

 

“He’s not the No. 6 player in the world if he isn’t great,” sabi ni Cuarto.

 

Nakaabot na rin ang Greek netter sa No. 5 ng Association of Tennis Professionals rankings, ang pinakabatang nasa top 10 sa edad lang na 21-anyos.

 

Bitbit din ni Tsitsipas ang tagumpay sa 2020 Open 13 Provence sa Marseille, France sa nakaraang linggo sa ikalima niyang ATP title at kasalukuyang kalahok sa Dubai Duty Free Championships.

 

Base bagong format, may 12 home-and-away ties para sa World Group II kasabay ang mga laro sa World Qualifiers at World Group I playoffs.

 

Ang top 12 sa World Group II playoffs ang mga uusad sa World Group II ties sa Setyembre kasama ang mga natalong bansa mula sa World Group I.

 

Ang matatalo sa laro ng ‘Pinas at Greece ang mahuhulog sa Regional Group III na nakatakda sa Hunyo o Setyembre. (REC)

Other News
  • 5 timbog sa pot-session sa Valenzuela

    LIMANG hinihinalang drug personalities kabilang ang dalawang bebot ang arestado matapos maaktuhan ng mga pulis na sumisinghot umano ng shabu sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) head PLT Joel Madregalejo ang mga naaresto na sina Mary Jane Montemayor, 35, Sharijune Santos, 32, John Paul […]

  • DR. GOMEZ: MEDICAL CANNABIS MALAPIT NG MAISABATAS

    Bagamat araw ng pagawa ngayong araw May 1, 2023 at walang pasok ang mga nag-oopisina sa gobyerno  at pribadong sector, tuloy pa rin ang nakagawian ng BAUERTEK Media Health Forum na ginanaganap tuwing lunes sa isang restaurant sa lungsod Quezon.     Ito ay pinangungunahan pa rin ni Dr. Richard Nixon Gomez bilang General Manager […]

  • P569 M fuel subsidy na ang naibagay sa mga PUV drivers

    MAY KABUUANG P569 million fuel subsidy na ang naibigay ng Land Bank of the Philippines sa mga drivers at operators ng pampublikong transportasyon upang matulungan sila na maibsan ang masamang epekto ng tumataas na presyo ng krudo at ibang produktong petrolyo.     Ang nasabing halaga ay tumutukoy sa may 23 porsiento ng alokasyon para […]