World No. 6 Greek netter, papalo kontra Pinoys
- Published on March 2, 2020
- by @peoplesbalita
MAKATITIKIM ang Pilipinas ng world-class tennis kapag sinagupa si world No. 6 Stefanos Tsitsipas at liyamadong Greece sa World Group II Davis Cup tie sa Marso 6 at 7 sa Philippine Columbian Association clay court sa Paco, Maynila.
Lalabanan ng mga Pilipinong netter si Tsitsipas at ang mga Greek matapos isagawa ng Davis Cup organizers ang bagong format na nagbigay daan para maitakda na non-Asian ang kalaban sa unang pagkakatoan sapul na makahampasan ang Swedes sa 1991 World Cup qualifier.
“We’re looking forward to a really tough duel but we’ll try to use the experience to toughen up the team,” pahayag ni PH non-playing captain Chris Cuarto.
Bubuo sa PH squad sina Francis Casey Alcantara-Jeson Patrombon tandem, Alberto Lim Jr., Eric Olivarez Jr. at Fil-Am Ruben Gonzales.
Ang magkapatid na Tsitsipas kasapa ang nakababatang si Petros, at sina Michail Pervolarakis at Markos Kalovenolis ang ibang miyembro ng dayuhang koponan kung saan si Dimitris Chatzinikolaou ang skipper.
Pero nakatutok ang lahat sa talento ni Tsitsipas na inaasahang magbibigay problema sa mga Pinoy.
“He’s not the No. 6 player in the world if he isn’t great,” sabi ni Cuarto.
Nakaabot na rin ang Greek netter sa No. 5 ng Association of Tennis Professionals rankings, ang pinakabatang nasa top 10 sa edad lang na 21-anyos.
Bitbit din ni Tsitsipas ang tagumpay sa 2020 Open 13 Provence sa Marseille, France sa nakaraang linggo sa ikalima niyang ATP title at kasalukuyang kalahok sa Dubai Duty Free Championships.
Base bagong format, may 12 home-and-away ties para sa World Group II kasabay ang mga laro sa World Qualifiers at World Group I playoffs.
Ang top 12 sa World Group II playoffs ang mga uusad sa World Group II ties sa Setyembre kasama ang mga natalong bansa mula sa World Group I.
Ang matatalo sa laro ng ‘Pinas at Greece ang mahuhulog sa Regional Group III na nakatakda sa Hunyo o Setyembre. (REC)
-
Witness The Return of an Avenger: Marvel Studios’ “The Marvels” Arriving on November 8
IN just two weeks, experience this year’s most epic superpowered team-up in Marvel Studios’ “The Marvels ” arriving in cinemas on November 8, Wednesday. Book your tickets in advance by checking the showtimes: https://www.disney.ph/movies/the-marvels In Marvel Studios’ “The Marvels,” an Avenger heads back to cinemas as Captain Marvel teams up with the Marvel Cinematic […]
-
Ina ni Maine sa pekeng video scandal ng anak: ‘Di makatarungan
Hindi napigilan ng ina ni Maine Mendoza na maging emosyonal nang tuluyang dumulog sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI)-Cyber Crime Division kaugnay ng kumalat na video scandal umano ng aktres kamakailan. Ngayong araw, December 28, nang magtungo sa NBI ang ina ni Maine na si Mrs. Mary Ann Mendoza kasama ang abogado […]
-
Utol ni Percy Lapid kumbinsidong hindi ‘fall guy’ si Escorial
KUMBINSIDO si Roy Mabasa, kapatid ni Percy Lapid na hindi fall guy si Joel Escorial at ito mismo ang bumaril at nakapatay sa kanyang kapatid noong Oktubre 3 sa Las Piñas. Sa kanyang pagsama sa ginawang walk through sa crime scene ng pulisya, sinabi ni Mabasa na nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap […]