• April 5, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WORST SCENARIO, HANDA ANG MAYNILA

TINIYAK ni Manila Mayor Isko Moreno na nakahanda ang pamahalaang Lungsod ng Maynila sa “worst possible scenario’ ng COVID-19.

 

Sinabi ni Domagoso na sa nagdaang dalawang linggo ginagawa na ng pamahalaang lungsod ang 24/7 monitoring at pagpapaigting ng contact tracing  upang mapigil ang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa Maynila.

 

“[We are checking] if rules are bring implemented properly by enforcement agencies and if barangays are doing their responsibility to contain infections,” ayon sa alkalde sa panayam nito sa ANC’s “Matters of Fact” .

 

“Fully equipped logistically ang City of Manila because we’ve been preparing for this kind of situation — the worst possible scenario — so we have enough people [serving as] contact tracers.” dagdag pa ni Domagoso.

 

Nang tanungin naman si Domagoso  kung ano ang posibleng dahilan ng pagtaas ng kaso sa lungsod, sinabi nito na maaring may nagpabaya ngunit ayaw nitong manisi at magturo.

 

 

“There must have been neglect along the way. Whoever [is responsible], we don’t want to point fingers anymore.” anang alkalde.

 

Ilang barangay na sa lungsod ang isinailalim sa granular lockdown  upang makontrol ang galaw ng mga tao  sa barangay na may naitalang mataas na bilang ng kaso ng COVID-19 .

Una nang nilockdown noong nakaraang linggo ang  Barangays  351 at 725, pati an rin ang  Malate Bayview Mansion at  Hop Inn Hotel sa Barangay 699. T

 

Nitong linggo naman ay sumunod na ni-lockdown  ng apat na araw kabilang ang Barangay 185 Zone 16 (Tondo 2); Barangay 374 Zone 38 (Sta. Cruz); Barangay 521 Zone 52 (Sampaloc); Barangay 628 Zone 63 (Sta. Mesa); Barangay 675 Zone 74 (Paco) at Barangay 847 Zone 92 (Pandacan)

 

SInabi ni DOmagoso na s apamamagitan ng granular lockdown ay makakatulong  na maisagawa ng mabilis at maayos ang  contact tracing .

 

“We tested those in the community and sa lalong madalig panahon natagpuan yung iba pang infected. There were about 25 of them.” Ayon kay Domagoso.

 

Ipinaliwanag ng alkalde na para s abawat taong n ahawaan, ang mga tracer ay makakahanap ng average na 11 hanggang 15 katao na close contact .

 

 

Bukod sa pagpapatupad ng granular lockdown , pagtiyak  sa pagsunod sa health protocols at contact tracing,  patuloy  naman

 

ang paghahatid ng food boxes ng pamahalaang lungsod bilang bahagi ng COVID-19 Food Security Program (FSP) na prayoridad ang mga barangay na isinailalim sa lockdown.

 

“We have a plan to really mitigate the socioeconomic impact of COVID-19,” ayon pa kay Domagoso

 

“Because there is also an economic repercussion in every policy that we introduce.” dagdag pa ng ama ng Maynila. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Ads November 18, 2022

  • ‘Maling entry, karaniwang sanhi ng ‘di mahanap na voter’s data’

    NAGLABAS ng inisyal na pagtaya ang Comelec sa posibleng dahilan ng deactivated status ng ilang botante, kahit nakaboto sila sa nakaraang halalan.     Ayon kay Comelec Comm. George Garcia, maaaring resulta lamang ito ng maling record entry.     Kung minsan aniya ay mayroong naisasamang “Jr” sa record, ngunit hindi naman pala ito bahagi […]

  • Buntis, nagpapa-breastfeed na ina kasali na sa 4Ps

    MAAARI nang isama ang mga buntis at nagpapa-breastfeed na mga ina sa listahan ng benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.         Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawig pa sa coverage ng 4Ps para masiguro ang kaligtasan ng mga sanggol sa unang 1,000 araw.     […]