YASMIEN, apaw ang saya na ibinahagi sa vlog ang kanyang dream yellow car; bukod pa sa excitement sa bagong serye
- Published on October 25, 2021
- by @peoplesbalita
NAG-UUMAPAW pa rin sa saya si Kapuso actress Yasmien Kurdi sa natanggap na gift galing sa asawa na si Rey Soldevilla na ‘dream car’ niya.
Matapos ngang I-post ni Yas sa kanyang Instagram ang photos ng kanyang brand new car, na-upload na rin niya ito sa kanyang YouTube vlog na may caption, “Yehey! Thank you soooo much pangga! Yun lang ang masasabi ko hehe…”
Sobra saya nga ni Yas dahil finally pinayagan na siya ng asawa na mag-drive mag-isa ng dream car niya na Suzuki GLX Jimny 2021 na ang kulay ay Kinetic Yellow, para kitang-kita raw kahit sa gabi at iwas-aksidente na rin.
Sey pa niya, three years na raw niya hinihingi pero ayaw payagan ng hubby niya baka mag-drive lalo na at puyatan sa tapings.
Baka raw kasi ma-tempt siya mag-drive nang madaling araw para makauwi sa kanilang bahay.
“Since, lock-in tapings na ngayon, outside of it madalas ang mga travel papunta sa work is for variety shows and swab testings na.
“Before minsan lang talaga ako nakakapunta ng GMA building, pero ngayon lagi na, every work kailangan dumaan dun because of swab testings,” say pa Yas na hindi na niya kailangan gamitin ang big van niya.
Makikita sa vlog na sobrang excited si Yas na mabili ang dream car, binuko siya ng asawa na 5 am pa lang daw ay gising at gusto nang pumunta ng 8 am sa show room.
Pero nasaraduhan sila ng bangko, kaya nakapag-down payment lang sila at kinabukusan na lang ito na-deliver sa kanilang house, at ‘yun nga na-drive na ito, kasama ang asawa at anak na si Ayesha.
Sinabi rin ng hubby niya na deserving naman siya na magkaroon na ng car na magagamit niya sa lock-in tapings.
Bukod sa new car niya sa sobrang cute na kinagiliwan ng netizens, excited na rin si Yas ang newest offering ng GMA Entertainment Group ang much-awaited series na Las Hermanas.
Pagbibidahan nga ito ng three powerful and undoubtedly talented Kapuso stars na sina Yasmien, Thea Tolentino, at Faith Da Silva na gaganap bilang Manansala sisters na sina Dorothy, Minnie, at Scarlet.
Nang tanungin tungkol sa kani-kanilang character:
“Matapang ‘yung character ni Dorothy,” sabi ni Yasmien.
“Siya ‘yung magba-balanse sa dalawang sisters niya para buo kami. Hindi niya hahayaan na magkawatak-watak ang ‘Las Hermanas’. Siya ‘yung responsable, siya ‘yung ate, siya ‘yung laging nag-a-advise, siya ‘yung laging uma-alalay at tumatayong magulang para sa mga kapatid niya.”
“I am most proud of how all of us worked together,” tugon naman si Thea.
“Walang nagsapawan ng eksena, lahat nagbibigayan at kapag sa times na hirap kami, nasusuportahan namin ang isa’t isa. Hindi lang sa aming mga actor, kundi pati na rin sa mga direktor at mga staff.”
Pahayag naman ni Faith, “I feel grateful for the trust that they have given me in this amazing project.
“For sure, I got really pressured especially lahat ng co-actors ko ay mga batikan at award-winning. And this is my first lead show, so the pressure was really there but I just did my part. I’m just really grateful na on or off-screen, iba ‘yung relationship namin nina Thea and Yasmien and I felt that I gained new sisters.”
Dagdag excitement pa sa Las Hermanas ay ang pagbabalik-Kapuso ni Albert Martinez as Lorenzo Ilustre, the charming, self-made businessman who will captivate the heart of Scarlet and be the root of the sisters’ falling out.
Pahayag pa ng aktor, “My takeaway from the series – respect women. You can’t possess them and turn them the way you want. You have to accept them the way they are and not create a mold for them because that will never work.
“In a relationship, there should be two-way traffic all the time. One should understand the other, and one should understand the individuality of each partner.”
Kasama sa powerhouse cast ng Las Hermanas sina Jason Abalos, Jennica Garcia, Lucho Ayala, Madeleine Nicolas, Melissa Mendez, Leandro Baldemor, Rubi Rubi, Robert Ortega, Orlando Sol, Coleen Paz, at Rita Avila.
Mula sa direksyon nina Monti Puno Parungao at Patrick Ferrer.
Samahan sina Dorothy, Minnie, at Scarlet sa Las Hermanas, simula ngayong hapon, October 25, at mapapanood Lunes hanggang Sabado after Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.
(ROHN ROMULO)
-
6 drug suspects, tiklo sa Malabon buy bust
BINITBIT sa selda anim na hinihinalang drug personalities matapos malambat ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon City. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit […]
-
Rodriguez, ‘out’ na rin sa Malacañang
KINUMPIRMA ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi na parte ng Gabinete si dating ES Vic Rodriguez. Nilinaw din ni Bersamin na wala talagang itinalagang bagong posisyon kay Rodriguez. Hindi rin anila pinag-uusapan ang sinasabing bagong posisyon para kay Rodriguez na Presidential Chief of Staff. “Wala.. We don’t even […]
-
Biden on Putin: ‘For God’s sake, this man cannot remain in power’
BINALAAN ni US President Joe Biden si Russian President Vladimir Putin na huwag magbalak na lumapit sa teritoryo ng NATO (North Atlantic Treaty Organization). Sa kanyang talumpati sa pagbisita nito sa Poland, sinabi ng US president na hindi magdadalawang isip ang US at mga NATO members na gumawa rin ng nararapat na hakbang. […]