• March 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

YASMIEN, dapat pasalamatan ni ALWYN sa pagkakaayos nila ni JENNICA

PWEDENG pasalamatan ni Alwyn Uytingco ang co-star ni Jennica Garcia na si Yasmien Kurdi sa bagong GMA Afternoon Prime, ang Las Hermanas na mapapanood na simula sa October 25.

 

 

Although bida-kontrabida silang dalawa rito bilang first kontrabida role nga ito ni Jennica, sa lock-in taping kunsaan, unang sabak muli ni Jennica sa taping na kasalukuyan itong dumadaan sa pakikipaghiwalay sa asawa, si Yasmien ang isa sa nakakausap niya at nahihingan ng payo.

 

 

Masaya raw si Yasmien na nagkabalikan na nga ang dalawa.

 

 

Sey niya, “Opo, nakukuwento nga niya ‘yung problema niya no’ng time na ‘yon. Pero sabi ko sa kanya, kapag asawa mo, asawa mo. Kung kaya niyong ayusin, ayusin niyo kasi, may mga anak sila, e, dalawang babae.

 

 

      “Pero happy ako ngayon, nagka-ayos sila, okay na sila, ‘di ba? So I’m really happy for her. ‘Yun naman talaga, ‘till death do us part’ sabi nga sa kasal, ‘di ba?”

 

 

      Pagsubok lang daw ‘yan sa buhay na pinagdadaanan, sey pa ni Yasmien na in all fairness, may karapatang magbigay ng payo dahil for 10 years as married to her husband, Rey Soldevilla, still happy at intact ang marriage life nila.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Bagong programa nila ni Kuya Poy, maagang pamasko: LAILA CHIKADORA, may ‘shoutout’ sa nagalit na manager ni PIA

    MAY handog na “12 Gifts of TRUE Christmas” ang newly-awarded Best Radio Station ng bansa, ang Radyo5 TRUE FM, bilang maagang pamasko para sa mga listeners.     Sisimulan ito sa launch ng mga bagong programang layunin ang maging safe space ng mga listeners para sa mga heartfelt conversations at mga payo mula sa mga […]

  • PBBM, ipinag-utos sa DOH na paigtingin pa ang bakunahan ng booster shot sa bansa

    SINABI  ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa ngayon ay hindi pa nakakamit ng lahat ng rehiyon sa Pilipinas ang kanilang 50 percent target population sa bakunahan naman ng booster shot.     Habang ang National Capital Region (NCR) naman aniya ang pinakamalapit nang maabot ang target na umaabot na sa 43 percent ng target […]

  • Ex-NBA star Rajon Rondo naghain ng guilty plea sa mga kaso niya

    NAGHAIN ng guilty plea si dating NBA star Rajon Rondo sa kinakaharap nitong kasong kriminal.   Nahaharap kasi si Rondo ng iligal na pagdadala ng baril sa Indiana.     Ang nasabing paghain nito ng guilty plea ay para maibasura na ang kasong possession of marijuana at possession of paraphernalia.     Bilang bahagi ng […]