YASMIEN, ipinakita sa vlog ang reunion nila ng dating ka-loveteam na si RAINIER
- Published on April 5, 2021
- by @peoplesbalita
KINILIG ang maraming netizens sa naging reunion nila Yasmien Kurdi at Rainier Castillo.
Sa YouTube vlog ni Yasmien, nagkita ulit ang dating loveteam sa isang rehearsal ng All Out Sundays.
Pinagtambal sina Yasmien at Rainier pagkatapos ng first season ng StarStruck noong 2004 kunsaan sila ang tinanghal na First Prince and First Princess.
Ngayon ay may sarili ng pamilya ang dalawa at marami ang natuwang makita silang magkasama ulit.
“Ang tagal na panahon na rin po kasi. Kinasal na po siya, na hindi pa ako nakapunta sa kasal, nagka-baby na siya, tapos ang dami nang nangyari sa buhay niya.
“Kaya doon napunta sa vlog. Sobrang katuwaan lang po at laugh trip.”
Ilan sa TV show na pinagsamahan ng Yasmien-Rainier loveteam ay SOP Gigsters, Joyride, Click, Hokus Pokus, Tasya Pantasya, Love To Love, at Bakekang.
Maraming nagre-request na magsama ulit ang dalawa sa isang teleserye. Pero abala si Rainier sa pamilya at mga negosyo nito kaya pass daw muna ito sa pag-arte.
Si Yasmien naman ay paghahanda sa kanyang bagong GMA series na Las Hermanas kasama sina Thea Tolentino, Faith Da Silva, Jason Abalos, at Albert Martinez.
***
HINDI pinalampas ng Kapuso comedian na si Ashley Rivera a.k.a ‘Petra Mahalimuyak’ na gawan ng TikTok video ang nag-viral na lugaw incident na naganap sa Bulacan.
Kumalat ang video ng isang Grab food rider na magde-deliver ng lugaw sa isang customer sa isang barangay sa Bulacan pero hinarang ng mga tanod dahil hindi raw ‘essential’ ang lugaw.
Dahil sa ginawang pagtrato ng isang tanod sa Grab food rider, nagkaroon ito ng ingay sa social media at umabot pa ito sa TikTok na may iba’t ibang version.
Ang ginawang TikTok video ni Ashley tungkol sa lugaw incident ay pumatok sa marami at kasalukuyang nakakuha na ng 4,500 shares, 1,200 comments and 34,000 likes.
Naglabas naman ng pahayag ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) tungkol sa pagiging essential good ng popular na Pinoy delicacy.
“Sapat ang umuusok sa init na isang mangkok na lúgaw para umampat ng gútom at para pawisan at gisawan ng lagnat ang maysakít. Ngunit ang lúgaw na ginagamit na sabaw o káldo (mula Espanyol na caldo) sa ibang putahe ay may ginisang bawang, sibuyas, at luya. “Nilalagyan ito ng pinatuyông bulaklak ng kasubhâ para magkulay dilaw ang sinaing na bigas at binubudburan sa ibabaw ng mga tinadtad na muràng dahon ng sibuyas tagalog (leek).”
***
NAKAKUHA ng restraining order ang supermodel at reality star na si Kendall Jenner laban sa kanyang stalker.
According to court documents obtained by TMZ, ipinaalam ni Kendall sa media na ang kanyang alleged male stalker ay may balak ba patayin siya.
The document read, “[The alleged stalker] expressed that he planned to purchase an illegal firearm, shoot me with that firearm and then kill himself.”
Wala raw relasyon si Kendall sa naturang stalker at never pa niya itong nakikilala.
“I was terrified because he traveled across the country for the sole purpose of killing me,” sey pa ni Jenner.
Nakakaramdam daw ng severe emotional distress and anxiety si Kendall. Kinakatakot pa niya na baka hanapin siya ng stalker kapag nakalabas ng ito ng ospital.
Kasalukuyang on temporary hold sa isang local hospital’s psychiatric unit ang naturang stalker.
Due to the restraining order, the man is required to stay 100 yards away from Kendall, her home, and work until the hearing on April 20, 2021. (RUEL J. MENDOZA)
-
DepEd, nakahanap ng solusyon sa SHS grad employability sa pamamagitan ng MATATAG agenda
SINABI ng Department of Education (DepEd) na layon nito na tugunan ang isyu ukol sa employability o kakayahang magtrabaho ng K-12 graduates sa pamamagitan ng MATATAG education agenda nito. Ang pahayag na ito ni DepEd spokesperson Michael Poa ay tugon sa kamakailan lamang na ipinalabas na ulat ng Commission on Human Rights (CHR) […]
-
PINIRMAHAN ni Mayor John Rey Tiangco, kasama si Dr. Meliton Zurbano, Schools Division Superintendent
PINIRMAHAN ni Mayor John Rey Tiangco, kasama si Dr. Meliton Zurbano, Schools Division Superintendent; Dr. Joel M. Chavez, Pangulo ng NPC; at Rey Sanglay, Supervising Labor and Employment Officer ng Department of Labor and Employment-CAMANAVA ang isang Memorandum of Agreement para sa pagtatag ng isang Public Employment Service Office (PESO) Help Desk sa Navotas Polytechnic […]
-
PBBM, interesado sa ‘fisheries deal’ sa Marshall Islands
INTERESADO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isulong ang ‘fisheries cooperation’ sa pagitan ng Pilipinas at Marshall Islands. Nabanggit ni Pangulong Marcos ang ideyang ito nang bisitahin siya ni Marshall Islands President Hilda Heine sa Palasyo ng Malakanyang. “We welcome President Hilda Heine, President of the Republic of the Marshall […]