YASSI, kinatuwaan ni SHARON sa pinakitang gesture at respeto sa katulad niyang mas senior
- Published on April 17, 2021
- by @peoplesbalita
WHILE browsing the Instagram account of Sharon Cuneta ay nakita namin ang video kung saan lumapit si Yassi Pressman sa Megastar at binati ito.
Nangyari ito sa shoot ng ABS-CBN Christmas Special.
Sobrang natuwa si Sharon sa gesture ni Yassi.
“Hi Yassi. Hi, nice to meet beautiful girl. Nice that you came up to me. Don’t lose that.
Lots of people don’t do that. Don’t lose that. When you see someone who’s your senior, do that,” sabi ni Sharon kay Yassi.
“Of course,” sagot naman ni Yassi.
“That’s what I used to do,” sabi ni Sharon.
“Respect,” sagot naman ni Yassi.
“Love you. That’s good,” huling sabi ni Sharon.
May 202,802 views na ang nasabing video. Sabi pa ni Ate Shawie, hindi niya malilimutan ang gesture iyon ni Yassi.
Marami ang pumuri sa ginawang iyon ni Yassi. Marami rin ang natuwa nang i-upload ni Sharon ang nasabing video.
Marespeto raw talaga sa kanyang mga katrabaho si Yassi, na dapat niyang ipagmalaki.
Sa comments section nga ay may mga humihiling na sana raw ay magkasama sa isang project sina Sharon at Yassi.
***
SI Ben Hur Abalos na ang bagong MMDA chairman at nakipagpulong na siya sa Executive Committee ng Metro Manila Film Festival.
Sa nasabing meeting ay napagdesisyunan nila na hindi na ituloy ang Summer Metro Manila Film Festival.
Dahil hindi pa naman magbubukas ang mga sinehan kaya ang desisyon ng Execom ay sa December na lang uli ituloy ang festival. Apektado rin naman ng pandemya ang trabaho ng filmmakers.
Dalawang movies na lang ang naiwan sa 1st Summer MMFF – Ngayon Kaya nina Janine Gutierrez at Paolo Avelino at A Hard Day ni Dingdong Dantes.
Pero puwede naman daw ito i-submit sa December film festival kung nais ng mga producer. (RICKY CALDERON)
-
PBBM, labis na ikinalungkot ang pagkasawi ng tatlong mangingisda sa Bajo de Masinloc
LABIS na ikinalungkot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang napaulat na tatlong mangingisda ang nasawi matapos banggain ang sinasakyan nilang bangka sa karagatang sakop ng Bajo de Masinloc. Ang insidente ayon sa Pangulo ay kasalukuyan nang iniimbestigahan. “We are deeply saddened by the deaths of the three fishermen, including the captain […]
-
PBBM, ipinag-utos sa DOJ na ipagpatuloy ang pagpapalaya sa mga bilanggo na kuwalipikado sa parole
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Justice (DOJ) na ipagpatuloy lamang ang pagpapalaya ng mga bilanggo o persons deprived of liberty (PDLs), na kuwalipikado sa parole. Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang nasabing kautusan ay ginawa ng Pangulo sa Cabinet meeting sa Malakanyang, araw ng Martes. Sa […]
-
VISIT THE “THE FLASH” LIFE-SIZE FIGURE AT THE WARNER BROS. 100 YEAR ANNIVERSARY EXHIBIT AT SM NORTH EDSA
THE Flash has arrived in Manila! From May 24 – June 4, fans can take selfies with the hyper-realistic, life-size mucklefigure of The Flash at the Warner Bros. 100 Year Anniversary Exhibit at SM North EDSA The Block activity area. Strike a running pose with your favorite Speedster and race with the fastest guy alive. […]