YORME ISKO, PINANGUNAHAN ANG 120TH ANNIVERSARY NG MPD
- Published on January 29, 2021
- by @peoplesbalita
“Ang karanasan ko sa pakikisalamuha sa mga kriminal, nagagamit ko ngayon bilang isang Mayor”
Ito ang isa lamang sa mensahe ni Mani Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang pagdalo bilang pangunahing pandangal sa ika-120th founding anniversary ng Manila Police District (MPD) Miyerkoles, sa MPD headquarters sa UN Ave., Manila.
Sa kanyang mensahe, ikinuwento nito ang naging buhay niya noong bata pa siya kung saan lumaki siya sa Tondo at nakisalamuha sa lahat ng uri ng klase ng tao kabilang ang mga kriminal kung saan nagagamit niya ngayon kung paano makisama.
Bahagi ng pagdiriwang ang wreath laying ceremony sa mga napaslang na miembro ng MPD ganundin ang pagbibigay ng award o pagkilala sa pangunguna ni Mayor Isko at Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng alkalde na sa kanyang isang taon at anim na buwang panunungkulan ipinagmamalaki nito ang mga kapulisan ng Maynila sa pamumuno ni MPD Director P/Brig.General Leo Francisco dahil sa pagpapatupad mg kaayusan at katahimikan sa Maynila.
Muli rin itong nagbabala sa mga kriminal dahil ang mga kapulisan aniya ng MPD ay hindi napapagod na gampanan ang kanilang tungkulin na naayon na rin sa kanyang mga direktiba .
Ayon kay Domagoso ang pagbabago ay ang pagtanggap ng katotohanan.
Pinuri din ni Domagoso ang mga kapulisan ng MPD dahil sa tiyaga at high tolerance nila sa mga tolongges at mga kawatan na kanilang naaresto.
Aniya, malaking bagay ang pagpapatupad ng mga alituntunin na binibigay ng mga kapulisan lalo na ngayong panahon ng pandemic.
Nagpasalamat naman si General Francisco sa lokal na pamahalaan dahil sa 100 porsyentong suporta nito sa kapulisyahan ng MPD kapalit naman ng maayos nilang pagseserbisyo sa lungsod. (GENE ADSUARA)
-
‘Cash recycling’ ATMs sa 7-Eleven PH, simula sa Hunyo
NAKATAKDANG magkaroon ng “cash recycling” ATMs ang mga tindahan ng 7-Eleven sa Pilipinas sa Hunyo kung saan magkakaroon ng real-time cash deposits at withdrawals ang mga kliyente. Pinirmahan na ng Philippine Seven Corporation, exclusive franchise holder ng 7-Eleven sa bansa, ang kasunduan kasama ang PITO AxM Platform Inc. (PAPI), ang lokal at wholly-owned subsidiary […]
-
Mahigit 820 patuloy pa ring nananatili sa mga evacuation center
NANANATILI pa ring tumutuloy sa iba’t ibang evacu- ation centers sa bansa ang nasa 207, 518 pamilya o katumbas ng 820, 030 indibidwal mula sa Regions 2, 3, Calabarzon, Mimaropa, Region 5, Cordillera Administrative Region at National Capital Region. Sa Laging handa public press briefing, sinabi ni Department of Social Welfare and Development Sec […]
-
Pagdanganan papalo sa Women’s PGA
NAKATAKDANG buksan nina rookie Bianca Pagdanganan at veteran Dottie Ardina ang kampanya sa 58th KPMG Women’s Professional Golf Association Championship 2020 sa Aronimink Golf Club sa Newtown Square, Pennsylvania kahapon (ngayon sa Pilipinas). Buwena-manong pagtatangka ito sa majors golfng bagitong 22-anyos na taga- Quezon City na si Pagdanganan samantalang ikalawa sa taong ito at […]