• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

YORME ISKO, TUMANGGING PAG-USAPAN ANG PULITIKA

TUMANGGI muna ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na pag-usapan ang pulitika dahil nakatutok ito sa pagtugon sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

 

 

Ito ay matapos siyang hingan ng komento hinggil pagsama sa kanya sa listahan sa mga posibleng kandidato para sa 2012 election ng bagong tatag na electoral coalition 1Sambayan.

 

 

 

“Wala akong tamang sagot o maling sagot d’yan because this is politics and I don’t like entertaining that question.” anang alkalde sa panayam sa isang  programa.

 

 

 

Paliwanag ng alkalde hindi niya ramdam ngayon na pag-usapan ang tungkol sa pulitika  ngayong ang ulat ng Department of Health ay nasa 8,019 na ang bagong kaso ng COVID-19 .

 

 

 

“Never muna akong sasagot patungkol diyan dahil I would rather address the 8,000 infections. How can we participate [in the effort] to lessen 8,000 infections in the country?” giit pa ni Domagoso.

 

 

 

Sa Maynila aniya ay nasa 600 ang bagong kaso sa nagdaang mga araw ang kanilang tinutugunan.

 

 

 

. “So, dito muna ako sa pandemic with all honesty. And I swear to God, I would rather focus and dedicate all my time and effort [here],”  dagdag pa nito.

 

 

 

Pinasalamatan naman ng alkalde ang pribadong sektor  sa pagsuporta sa pagsisikap ng pamahalaang lungsod para labanan ang pandemya dulot ng  COVID-19 at para sa ekonomiya.

 

 

 

Ilang mga barangay na rin ang kinailangang isailalim sa granural lockdown sa kautosan na rin ni Domagoso dahil sa pagtaas ng kaso sa mga barangay. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Ads September 9, 2023

  • Ads June 5, 2024

  • Rep. Arnie Teves, pinatalsik na sa Kamara

    TINANGGAL  na ng Kamara si Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves, Jr., mula sa Kamara dahil sa “disorderly behavior” at “for violation of the Code of Conduct of the House of Representatives.”     Sa botong 265-0-3, ipinasa sa plenary ang rekomendasyon ng House Committee on Ethics and Privileges na patawan ng pinakamabigat na parusang […]