Yorme Isko, walang planong tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 election
- Published on January 6, 2021
- by @peoplesbalita
Nilinaw ni Manila Mayor Isko Moreno na wala siyang plano na tumakbo sa pagkapangulo sa halalan na gaganapin sa 2022.
Aminado raw si Moreno na masaya siya dahil nakasama ang kaniyang pangalan sa isa sa mga presidential bets sa 2022 batay sa inilabas na listahan ng Pulse Asia survey.
Labis ang pasasalamat ng alkalde sa mga sumagot ng naturang survey ngunit mas kailangan pa rin daw na mag-focus ang bawat isa sa realidad na nahaharap pa rin sa health crisis ang buong mundo.
Gayundin ang panawagan niya sa mga pangalan na nakasama sa nasabing listahan.
Nabatid kasi sa sruiver na 12 porsyento ng 2,400 respondents ang nagsabi na iboboto nila si Moreno kung sakali na mapagdesisyunan nitong tumakbo sa pagka-presidente.
Ayon sa alkalde, mas mahalaga sa mga panahon ngayon ang kung ano ang mga gagawing hakbang para labanan ang pandemya na dala ng coronavirus disease.
Mas maigi rin aniya kung mas pagtutuunan na lamang ng pansin ang plano ukol sa pamamahagi ng bakuna na inaasahang sisimulan sa first quarter ng kasalukuyang taon. (GENE ADSUARA)
-
2 drug suspects arestado sa Valenzuela buy bust
Arestado ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga habang narescue naman ang isang 16-anyos na dalagitang estudyante sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City. Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Danilyn Ileto, alyas “Ayhie”, 31, at Marvin Manalotoc, 30, kapwa ng 5226 […]
-
33 pasaway na mga tsuper huli dahil sa pag labag sa IATF sa Kyusi
HULI ang may 33 mga tsuper ng bus dahil sa pag labag sa Inter Agency Task Force on Emerging Diseases o IATF. Sa isinagawan inspeksyon ang Inter- Agency Council for Traffic (IACT), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa mga Public Utility Bus […]
-
Indian Priest, humuling ng tulong at panalangin
Humiling ng panalangin si Indian Priest Fr. Loyola Diraviam ng Servants of Charity para sa mamamayan ng India. Sa panayam ng Radio Veritas, sinabi ni Fr. Diraviam na lubhang nahihirapan ang marami sa kanilang komunidad dahil sa labis na pagtaas ng bilang ng mga nahawaan ng COVID-19. “May I humbly request […]