• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Yulo babawi sa 2024 Paris Olympics

Ngayon pa lang, maghahanda na si Carlos Edriel Yulo sa pagresbak nito sa 2024 edisyon ng Olympic Games na idaraos sa Paris, France.

 

 

Bigo si Yulo na makasungkit ng medalya sa kanyang unang Olympic Game sa Tokyo, Japan.

 

 

Hindi ito nakapasok sa finals ng kanyang paboritong men’s floor exercise — ang parehong event na pinagharian nito noong 2019 FIG World Cham­pionships sa Stuttgart, Germany.

 

 

Aminado si Yulo na dinamdam nito ang masamang performance sa floor exercise. Inamin nitong ibinuhos nito ang lahat sa pamamagitan ng pag-iyak.

 

 

“Umiyak po talaga ko. Iniyak ko po talaga. Hindi ko po siya kinaya na pigilan. Tsaka ayaw ko ring pigilan. Feeling ko lalakas pa ko kung ilabas ko siya,” ani Yulo.

 

 

Kaya naman nagdeklara na agad si Yulo na babalik ito sa Paris Olympics nang mas malakas.

 

 

“Babalik po kaming malakas (sa Olympics po sa Paris),” ani Yulo.

 

 

Nagpasalamat din si Yulo sa lahat ng sumuporta sa kanya partikular na sa kanyang mga coaches at pamilya na patuloy na gumagabay sa kanyang lakbayin.

Other News
  • Robredo camp, pinag-iisipan ang legal action laban sa nagpapakalat ng fake news sa social media

    BILANG bahagi ng kanyang kampanya laban sa  “disinformation” at kasinungalingan, kinokonsidera ng kampo ni  outgoing Vice President Leni Robredo ang gumawa ng legal action laban sa mga nagpapakalat ng  fake news sa social media matapos ang kanyang termino sa Hunyo 30 .     “Sa darating na mga linggo at buwan, tayo ay maglulunsad ng […]

  • SMART/MVP-Philippines Team lalahok sa 2022 Asian Taekwondo Championships

    SASALANG ang Smart/MVP Sports Foundation national kyorugi at poomsae teams sa 2022 Asian Cadet/Junior/Para Taekwondo Championships sa Agosto 22-27 sa Ho Chi Minh City, Vietnam.     Ang 45-man delegation ay binubuo ng walong opisyal sa pamumuno ni taekwondo association secretary ge-neral Raul Samson at 22 kyorugi at 15 poomsae athletes.     Ang paglahok […]

  • Ilang motorista, kaniya-kaniyang diskarte para makatipid sa gitna ng mataas na singil sa produktong petrolyo

    KANIYA-kaniyang diskarte ang taumbayan para makatipid ngayon sa gitna ng pabago-bagong galaw sa presyo ng produktong petrolyo.     Ngayong araw ay ipinatupad nanaman kasi ang panibagong dagdag-bawas sa halaga ng krudo.     Nasa Php 1.70 ang ibinaba sa presyo ng kada litro ng gasolina, habang pumalo naman sa Php 1.20 ang halagang nadagdag […]