• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Yulo kakasa sa 4 na finals event sa World Championships

NAGPAPARAMDAM  na ng puwersa si Tokyo Olympics veteran Carlos Edriel Yulo matapos pumasok sa finals ng apat na events sa prestihiyosong 51st FIG World Artistic Gymnastics Championships na ginaganap sa Liverpool, England.
Inilatag ni Yulo ang pinakamalakas na puwersa nito upang masiguro ang pag-entra sa finals kabilang na ang kanyang paboritong floor-exercise event.
Nanguna si Yulo sa floor exercise kung saan nakalikom ito ng 15.266 puntos mula sa 6.400 difficulty at 8.866 execution.
Pumangalawa naman si Yulo sa vault tangan ang 14.849 puntos laban sa nangunang si Artur Dav­tyan ng Armenia na may 14.900 puntos.
Si Yulo ang reigning champion sa vault event.
Pasok din sa finals si Yulo sa parallel bars kung saan naglista ito ng 15.300 puntos sapat para makuha ang No. 4 seed sa naturang event.
Sa kabuuan, puma­ngatlo si Yulo sa all-around event bitbit ang kabuuang 84.664 puntos para ma­ging ikaapat na event na nakaabante ito sa finals.
Masaya si Yulo sa kanyang performance ngunit hindi pa dapat magdiwang dahil qualifying pa lamang ito.
Umaasa si Yulo na mas mapapaganda pa nito ang kanyang performance sa finals upang makahirit ng gintong medalya.
“It’s a really good result but it’s just qualifying. I’m not boasting, it’s just not the final. If I can do it in the final then maybe I can be satisfied,” ani Yulo.
Kabilang sa mga tututukan ni Yulo ang rings, horizontal bar at pommel horse kung saan hindi ito nakapasok sa finals.
Nagkasya sa ika-10 si Yulo sa rings (14.066) habang ika-31 naman sa horizontal bar (13.533) at ika-102 sa pommel horse (11.766).
Nangako si Yulo na ibubuhos ang lahat ng kanyang lakas sa finals para masigurong makapag-uuwi ito ng medalya.
Other News
  • 2 Driving Schools sinuspinde ng LTO dahil sa pamemeke ng TDC, PDC Certificates

    NAGBABALA si Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II sa mga driving school at accredited na klinika ng ahensya na medical clinics na umiwas sa anumang ilegal na gawain na maaaring magdulot ng panganib sa kaligtasan ng publiko sa kalsada.   Ito ay matapos masuspinde nang 30 araw ang operasyon […]

  • MARCOS, DUTERTE GIVE WARM GREETINGS TO ROMUALDEZ ON DAY OF OATH-TAKING

    TACLOBAN CITY – THE top two incoming leaders of the country, President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. and incoming Vice President Sara Duterte, gave warm congratulatory remarks to House Majority Leader and Leyte 1st District Rep. Martin G. Romualdez Wednesday morning during the occasion of the latter’s oath-taking as the reelected Leyte 1st District congressman.   […]

  • Iiwasan nang mag-post ng personal messages sa socmed: SHARON, nakikiusap na tigilan na ang pagsasabong sa mga anak

    SA latest IG post ni Megastar Sharon Cuneta, ibinahagi niya ang simpleng dinner para sa selebrasyon ng 14th birthday ni Miguel kasama si dating Sen. Kiko Pangilinan at Miel.     Kasama ang mga larawan, panimulang caption ni Mega, “Kahit may Cebu concert pa sa 17th, back to reality muna kayo mga anak! (smiling crying […]