• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Yulo kumolekta ng 8 golds sa Hong Kong

UNTI-unting gumagawa ng sariling pangalan si Karl Eldrew Yulo matapos humakot ng walong gintong medalya sa Chiu Wai Chung Cup na ginanap sa Hong Kong.

 

 

Pinagharian ni Yulo ang juniors individual all-around para magarbong simulan ang kampanya nito sa tor­neo.

 

 

Hindi nagpaawat si Yu­lo nang walisin nito ang anim na gintong medalya sa individual apparatus na floor exercise, vault, pa­rallel bars, horizontal bar, pommel horse at still rings.

 

 

Bukod pa rito ang gintong medalyang nakamit ni Yulo sa team event ng ju­nior men’s artistic gymnastics.

 

 

Si Yulo ang nakababa­tang kapatid ni Carlos Edriel Yulo na sumungkit ng dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics.

 

 

Sa kabuuan, humakot ang national gymnastics team ng 14 ginto, anim na pilak at limang tanso sa naturang torneo.

 

 

Nagdagdag ng tatlong gintong medalya si Miguel Besana sa men’s seniors individual all-around, floor exercise at pommel horse habang nasiguro naman ni Justine Ace De Leon ang gintong medalya sa men’s still rings at parallel bars.

 

 

Nakahirit pa ng ginto ang Pinoy gymnasts sa seniors men’s team event.

Other News
  • 4-MAN PH TEAM SA 3X3 WORLD TOUR, BUO NA

    PINABORAN ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio kahapon (Martes) ang rekomendasyon ng Selection Committee na isalang sa 4-man Philippine Team na sasabak sa FIBA 3×3 Olympic Qualifying Tournament sina Chooks-To-Go 3×3 top player Joshua Eugene Munzon, Alvin Pasaol, Moala Tautuaa at CJ Perez.   Mula sa mahigit 20 player-candidate, napili ng SBP […]

  • MARTIN, nag-shine at hinangaan agad sa sneak-peek ng ‘Voltes V: Legacy’; goodluck na lang sa ‘Darna’ ni JANE kung itatapat

    SA Instagram post ng GMA Network sa unang araw ng Enero, inilabas na sneak-peek ng inaabangang Voltes V Legacy na paparating na ngayong 2022.     May caption ito na, “We proudly bring you an EXCLUSIVE sneak-peek of what @voltesvlegacy has been working on for the past few years!   “Join us and “V” together for one […]

  • Bus sa EDSA busway, dinagdagan

    DINAGDAGAN  pa ng  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 42 bus units na bibiyahe sa EDSA busway.     Bahagi ito ng  ‘trial’ basis’ para sa mga susunod na araw.     Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, nagsimula ang trial/simulation ng rescueOmnibus Franchising Guidelines (OFG)-compliant bus units ng alas-6:00 ng gabi […]