• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Yulo maghahasa pa sa 2-3 torneo pa-Olympics

MAY dalawa hanggang tatlong kompetisyon pang lalahukan si Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo bago sumalang pangarap ng lahat ng atleta na 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang sa darating na Hulyo 2021 dahil sa Covid-19.

 

Nabatid kamakalawa kay Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrrion-Norton, na gaganapin sa Marso-Hulyo sa Germany, Azerbaijan at Japan ang tatlong kompetisyon ng 20-anyos, 4-11 ang taas at tubong Maynila na gymnast.

 

Nadiyeta sa dalawang nilaruan lang si Yulo sa nakalipas na taon parehong sa Japan sa kasagsagan ng pandemya na pumutok sa mundo nitong Marso.

 

Sumungkit ang reigning world men’s floor exercise champion at current world No. 1 ng isang silver medal sa sa men’s vault ng 53rd All-Japan Seniors Gymnastics sa Gunma Prefecture nitong Setyembte.

 

Habang nakadalawang bronze naman siya sa 74th All-Japan Gymnastics Championships — floor at vault events – sa Gunma pa rin nito lang Disyembre.

 

Nasa ikatlong taon na si Yulo sa Land of the Rising Sun sa pagtustos ng Philippine Sports Commission (PSC) sa paghahanda sa quadrennial sportsfest. (REC)

Other News
  • Senado, sinimulan na ang debate sa kontrobersyal na Maharlika Investment Fund

    SINIMULAN  na ng Senado ang debate sa kontrobersyal na Maharlika Investment Fund bills ngayong araw.     Ang Senate Bill No. 1670 at House Bill No. 6608, mga panukalang naglalayong lumikha ng pondo, ay tinalakay ng Senate committee on banks, financial institutions and currencies.     Kabilang sa mga pinagmumulan ng seed money para sa […]

  • Tuloy ang suporta ng PSC sa mga national teams

    Bagama’t apektado ng pandemya ang kanilang pondo ay todo-bigay pa rin ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pagsuporta sa mga national athletes na tumatarget ng silya sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.     Ang dalawang national team na binuhusan ng pondo ng sports agency para sa kanilang paglahok sa Olympic qualifying tournaments ay […]

  • Pagbubukas ng klase sa public schools, ‘generally peaceful’ – PNP

    PANGKALAHATANG mapayapa ang unang araw ng pagbubukas ng klase Agosto 29 sa mga pampublikong paaralan. Sinabi ni Philippine National Police Chief, Gen. Benjamin Acorda Jr. na wala namang natanggap na anumang gulo o untoward incident ang PNP. Nabatid na umaabot sa 32,706 pulis ang dineploy kahapon upang matiyak ang seguridad sa mga paaralan. Naglatag din […]