• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Yulo tumanggap ng higit P14 milyon cash prize sa Kamara

TUMANGGAP si Pinoy Olympic gold medalist Carlos Edriel Yulo ng mahigit P14-M cash sa Kamara habang tig P3.5-M ang dalawang boxers na nakasungkit ng bronze medal sa katatapos na Paris Olympic 2024.

 

 

“You are our heroes, there is no limit to what we can achieve,” pahayag ni Romualdez.

 

Ginawaran din si Yulo ng Congressional Medal of Excellence at Congresssional Medal of Distinction alinsunod sa pinagtibay na House Resolutions 233 at 240.

 

Umabot naman sa mahigit ­P14.010-M ang nakuhang cash prize ni Yulo, tig P3-M sa bawat medalyang ginto.

 

Sinorpresa naman ni Romualdez si Yulo na sinabing bukod sa P6-M ay nag-ambagan ang mga Kongresista na nakalikom ng karagdagang P8.10-M.

 

Bago tumulak si Yulo patungong Paris ay una na itong pinabaunan ng Kamara ng P500,000.

 

Ang mga boxing Bronze medalists na sina Nesthy Petecio at Aira Villegas na kababayan ni Romualdez sa Tacloban City ay tumanggap naman ng tig-P1-M at karagdagang P2.5-M. Sa kabuuan nasa P4-M ang tinanggap ng mga ito sa Kamara kabilang ang baong P500,000.

 

Ang 19 pang atleta bagaman hindi nakapag-uwi ng medalya ay binigyan ng tig-P500,000. Kabilang dito ang pole vaulter na si EJ Obiena na pang-apat sa prestihiyosong kumpetisyon sa sports. Ang mga ito ay una na ring pinabaunan ng P500,000 ng Kamara.

 

Samantala ang kanilang mga trainor at coach ay binigyan din ng cash prize.

 

Ang Congressional Medal of Excellence ay iginagawad sa mga Pinoy achievers sa sports, business, medisina, science, sining at kultura. Samantalang sa pinagtibay namang House Resolution 241 ay pinarangalan ang lahat ng mga Pilipinong atleta at ang kabuuan ng Philippine delegation na lumahok sa Paris Olympics.

Other News
  • 3 most wanted persons, nabitag sa Valenzuela

    PINURI ni Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr ang Valenzuela City Police sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Salvador Distura Jr sa matagumpay na manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong most wanted persons sa loob lamang ng isang araw.     Ani Col. Destura, alinsunod sa kampanya […]

  • Price cap, pinatatag ang presyo ng bigas- PBBM

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang ipinag-utos na price ceiling  para sa bigas ay nakatulong para patatagin ang presyo ng  kalakal sa merkado.     Binigyang-diin ng Pangulo na ang pagiging matatag ng presyo ng ibigas sa merkado ay isa  sa mga dahilan na nag-udyok sa gobyerno na bawiin ang implementasyon ng Executive […]

  • Nagpunta sa Fortis Airbase para mag-skydiving: EULA, hinangaan sa kanyang adventurous spirit

    TODAY, March 1, ang simula ng showing ng second episode ng controversial but top-grossing movie for 2022, na “Maid in Malacanang,” ang “Martyr or Murderer” produced again by Viva Films under the direction of Darryl Yap.      After the very successful premiere night last Monday, February 27, sa SM North EDSA The Block Cinemas […]