Yulo tututok sa 3 events sa Paris Olympics
- Published on August 11, 2021
- by @peoplesbalita
Tatlong events ang paghahandaan ni world champion Carlos Edriel Yulo sa men’s artistic gymnastics competition ng 2024 Paris Olympics.
Hindi lamang nakasentro si Yulo sa kanyang paboritong floor exercise event dahil pagtutuunan din nito ng pansin ang vault at parallel bars.
“Tatlo talaga yung kaya kong pasukan, alam ko sa sarili ko na hindi na lang floor yung special para sa akin,” ani Yulo sa programang Power and Play.
Naniniwala si Yulo na kaya nitong mag-perform sa tatlong events sa Paris Olympics lalo pa’t naranasan na nito kung ano ang experience na sumabak sa Olympics.
Aminado si Yulo kahit ano pang ensayo ang gawin nito, hindi maiiwasan ang kaba sa isang malaking event gaya ng Olympics.
Naniniwala si Yulo na kaya nitong mag-perform sa tatlong events sa Paris Olympics lalo pa’t naranasan na nito kung ano ang experience na sumabak sa Olympics.
Aminado si Yulo kahit ano pang ensayo ang gawin nito, hindi maiiwasan ang kaba sa isang malaking event gaya ng Olympics.
“Yun kasi talaga pinaka-iniisip ko, yung mapakita ko kung gaano kaganda yung gymnastics ko, na iba ako sa kanila. Nakakakaba talaga, kahit gaano ka ka-preparado,” ani Yulo.
Maraming natutunan si Yulo sa kanyang karanasan sa Tokyo Olympics na magsisilbing motibasyon nito para sa kanyang mga susunod na laban.
Pormal nang magtatapos ang Tokyo Olympics ngayong araw subalit nakasentro na agad ang atensiyon nito sa 2024 Games.
“Kapag natikman mo, babalik-balikan mo yung feeling, hindi pwedeng isa lang. Gusto mo, kapag tumayo ka ulit don, ikaw na ‘yung magta-top, ikaw na yung hahabulin,” ani Yulo.
Sa Tokyo Olympics, nagkasya lamang si Yulo sa ikaapat na puwesto sa vault habang bigo itong makapasok sa final round ng floor exercise.
Alam ni Yulo na may ibubuga pa ito kaya’t magsisilbing magandang preparasyon ang Tokyo Olympics para bumalik ng mas malakas sa Paris Games.
-
Navotas isinailalim sa State of Calamity dahil kay super typhoon ‘Carina’
ISINAILALIM ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang lungsod sa state of calamity dahil sa matinding pagbaha dulot ng habagat at bagyong Carina. Ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ang Resolusyong Panglungsod Blg. 2024-67, na binabanggit na sa ilalim ng state of calamity, magagamit ng pamahalaang lungsod ang kanilang calamity fund at mapabilis ang relief at […]
-
Pagpapatupad ng Ecological Solid Waste Management program sa Navotas, pinaigting
SA hangarin na palakasin ang kanilang ecological solid waste management (ESWM) program, pumasok sa isang memorandum of agreement (MOA) ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, kasama ang Mother Earth Foundation (MEF) at ang Dept. of Environment and Natural Resources Environmental Management Bureau – National Capital Region (DENR EMB-NCR). Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco […]
-
Philippine team nakahanda na para opening ceremony ng Paris Olympics
PLANTSADO na ng Philippine Team ang kanilang gagawing pag-martsa para sa opening ceremony ng Paris Olympics. Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino na pangungunahan nina Pinoy boxer Nesthy Petecio at Carlo Paalam ang parada kasama ang 16 na ibang mga atleta. Hindi makakasama si […]