ZAMBOANGA VALIENTES HARI SA AUSTRALIA 3X3
- Published on December 16, 2020
- by @peoplesbalita
NAGSYUT ang Zamboanga Valientes ng Pilipinas ng 4-1 panalo-talong kartada sa loob lang ng isang araw para pagharian ang Open division ng Basketball Act 3×3 Christmas Street Hustle 2020 sa Belconnen 3×3 Outdoor Courts-42 Oatley sa Canberra, Australia nitong Sabado, Disyembre 12.
Ginimbal ng Chavacano dribblers ang niresbakang eliminations tormentor Black Buckets sa finals 14-7. Sumubasob sa third game sa elims sa overtime ang PH squad, 14-16, na naging unang Pinoy cage team na nagwagi sa isang isang torneo ng basketbol sa nasabing bansa.
Pinagtutumba rin ng Valientes ang Orange Buckets sa semifinals, 16-11; MC Africa sa quarterfinals, 16-1; Orange Buckets , 11-8; at White Buckets, 15-8, sa unang dalawang salang sa eliminasyon.
Sina former Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) player Eric Miraflores, dating National Capital Region Athletic Association (NCRAA) mythical team member Chris Concepcion, 18-year-old prospect Adam Compton at Sudanese-Australian Duom Dawam ang mga bumubuo sa koponan
Ang anak ng may ari ng Zamboanga Valientes na si Cory Navarro na si dating Philippine Youth team member Junnie Navarro ang nag-coach sa team.
Inanyayahan ang Valientes sa isa pang Las Vegas 3×3 tournament 2021 sa Nevada dahil sa tagumpay na ito sa Down Under. (REC)
-
Pinoy boxer Mike Plania, wagi matapos ang big upset vs Greer sa Las Vegas
Nagtala ng malaking upset win ang Pilipinong si Mike Plania sa bakbakan nila ng Amerikanong si Joshua Greer Jr. ngayong Miyerkules (Manila time) sa MGM Grand Conference Center sa Las Vegas. Si Plania, na unang Pinoy boxer na nakatapak sa ring mula nang magsimula ang coronavirus pandemic, ay nagwagi sa pamamagitan ng majority decision, 94-94, […]
-
LRT-1 operation, suspended sa 3 weekends ng Agosto
PANSAMANTALANG magsususpinde ng operasyon ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 3 (LRT-1) sa tatlong huling weekend ng Agosto. Ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-1, layunin nitong pabilisin ang paghahanda sa target na pagbubukas ng Cavite Extension Phase 1 sa ikaapat na bahagi ng 2024. Sa inilabas […]
-
CLINICAL TRIAL SA AVIGAN, HINDI PA NASISIMULAN
HINDI pa nasisimulan ang clinical trial ng nati flu drug na Avigan na itinuturing na maaring lunas sa mga pasyente na tinamaan ng COVID-19. Ito ang kinumpirma ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing. Una nang inihayag ng DOH na dapat sanang simulan ang clinical trial ng Avigan noong Agosto 17 ngunit […]