Zelensky, nakipag-usap kay Pope Francis tungkol sa Russia-Ukraine war
- Published on March 24, 2022
- by @peoplesbalita
NAKIPAG-USAP si Ukrainian President Volodymyr Zelensky kay Pope Francis via phone call hinggil sa nangyayaring digmaan ngayon sa kanilang bansa laban sa Russia.
Ibinahagi ni Zelensky sa kanyang address sa Italian Parliament na sinabi ng santo papa na naiintindihan nito ang hangad niya na kapayapaan at pakikipaglaban para sa mga sibilyan at kanyang bayan.
Aniya, umabot na rin sa 117 na mga kabataan ang namatay sa kasagsagan nitong kaguluhan na tinawag na price of procrastination ng ibang bansang nais na itong patigilin.
Sinabi rin daw ni Zelensky kay Pope Frances na ang ginagawang mediating role ng Holy See sa pagwawakas ang pagdurusa ng bawat isa sa gitna ng kasalukuyang humanitarian situation at pagharang ng tropa ng Russia sa mga rescue corridors ay lubos niyang pahahalagan.
Magugunita na kamakailan lang ay inilarawan ni Pope Francis bilang isang “senseless massacre” ang nangyayaring giyera ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine dahil sa pagkamatay ng maraming mga sibilyan kabilang na ang mga matatanda, bata, at mga nagdadalang-tao na mga ina dahil sa mga pag-atake ng Russia sa mga lungsod ng Ukraine.
-
Pinaka mainit na heat index naitala sa 30 lugar
PATULOY na makararanas ng mataas na heat index ang maraming lugar sa bansa. Ito’y ayon sa Impact Assessment and Applications Section ng PAGASA Weather Bureau dahil nasa dangerous level pa rin ang 30 lugar kahapon kabilang ang Dagupan City, Pangasinan at Aparri, Cagayan na tatlong araw nang nakararanas ng sunud-sunod na danger na heat index […]
-
24-HOUR CURFEW SA MINORS, IPINATUPAD MULI SA NAVOTAS
DAHIL sa pagtaas ng kaso ng coronavirus disease, inihayag ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas na ipatutupad muli ang 24 na oras na curfew para sa mga menor de edad. Ayon kay Mayor Toby Tiangco, noong July 17, iniulat ng COVIDKAYA na ang Navotas ay nakapagtala ng 105.06% 2-week growth rate ng COVID cases, […]
-
Coalition for Good Governance (CGG) hiningi ang pag-aalis kay LTO chief
ISANG grupo na tinatawag na Coalition for Good Governance (CGG) ang nanawagan kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na tanggalin sa puwesto si Land Transportation Office (LTO) assistant secretary Vigor D. Mendoza II. Hiniling ng grupo na alisin sa puwesto si Mendoza dahil sa alegasyon ng korupsyon sa LTO. Ayon […]