Zero active COVID cases target ng Navotas
- Published on October 15, 2020
- by @peoplesbalita
INIHAYAG ni Mayor Toby Tiangco na zero active COVID-19 cases ang hangad niyang makamit para sa kanyang nasasakupan.
Kaya’t muling hinikayat ni Tiangco ang mga residente at manggagawa sa lungsod na makilahok sa libreng community testing ng lungsod para sa COVID-19.
Ngayong Oktubre maliban sa huling araw ng buwan ay nagtakda ang City Health Office ng swab testing tuwing Sabado para mabigyan ng pagkakataon ang mga hindi makaalis sa kanilang mga hanapbuhay kapag may pasok.
“Habang may kaso ng COVID-19 sa lungsod, dapat tayong manatiling maingat. Ang mabilis na pagbaba ng ating posi- tivity matapos an gating inisyatibong agarang ‘test, trace, treat and isolate’ ng mga pasyente ay nagpapakita na tayo ay nasa tamang landas,” ani Tiangco.
Mula 23% noong Hulyo, sumadsad ang positivity rate ng lungsod sa 7% sa pagtatapos ng Setyembre.
“Naging epektibo ang ating estratehiya. Kailangan natin itong ipagpatuloy para makamit natin ang zero cases sa lalong madaling panahon,” dagdag ng alkalde.
Hanggang Oktubre 5 ay 34,003 tests na ang naisagawa ng Navotas City o 12.7% ng populasyon nito.
Sa mga nais magpa-test, makipag- ugnay sa kanilang mga barangay. Sa mga establisimiyento na gustong ipa-test ang kanilang mga empleyado, tumawag sa Business Permits and Licensing Office sa mga numerong (0921) 376 2006 and (0921) 890 7520. (Richard Mesa)
-
Clearing operation sa Mabuhay lane patuloy na isasagawa ng MMDA
PATULOY ang ginagawang clearing operation ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ito ang sinabi ni MMDA Special Operations Group Head Gabriel Go, sinabi nito na ang paggamit ng Mabuhay lane ay malaking pakinabang sa lahat ng motorista upang makaiwas sa bigat ng trapiko. Pinaliwanag pa nito ang responsibilidad ng kanilang ahensya ay […]
-
Ads January 26, 2024
-
Pinag-usapan ang success bilang isang theatre actress: LEA, na-feature sa isang article sa The Guardian UK
NA-FEATURE si Lea Salonga sa isang article ng The Guardian kunsaan pinag-usapan ang success niya bilang isang theatre actress sa London’s West End na nagsimula 35 years ago sa pinagbidahan niyang musical na ‘Miss Saigon’ in 1989. Bumalik ang Tony Award-winning Filipino star sa pag-perform sa West End para sa musical tribute […]