• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Zero allocation para sa gumagawa ng health supplies, PPEs sa ilalim ng 2021 nat’l budget – solon

WALANG nakalaang pondo para sa subsidiya sa mga local manufacturers ng health supplies at personal protective equipment (PPEs) sa ilalim ng P4.5- trillion proposed 2021 national budget.

 

Pag-aamin ito ni Bukidnon Rep. Manuel Zubiri plenary deliberations ng Kamara sa proposed budget ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pagtatanong ni Gabriela partylist Rep. Arlene Brosas.

 

Sa kanyang interpellation, pinuna ni Brosas ang aniya’y “inadequate” response ng pamahalaan sa pandemya at sa epekto nito sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

 

Kung siya lamang umano ang masusunod, nais din ni Zubiri na mabigyan ng subsidiya ang manufacturing sector tulad nang isinasagawa sa iba pang mga bansa sa Southeast Asia, Europe o North America.

 

Maari sanang gamitin aniya ang subsidiyang ito bilang pambayad sa sweldo ng kanilang mga empleyado.

 

Gayunman, sinabi ni Zubiri na titiyakin niyang matutugunan ang concerns ni Brosas pagdating sa mga local manufactureres ng health supplies at PPEs.

 

Sa ilalim ng 2021 National Expenditure Program, ang DTI ay humihingi ng P22.4 billion na budget. (Daris Jose)

Other News
  • GSIS, ikinasa na ang no-down-payment housing program

    INILUNSAD na ng state-owned Government Service Insurance System (GSIS) ang bagong housing program na pinasadya para sa mga empleyado ng gobyerno na nagtatampok sa ‘zero down payment.’ Sa katunayan, inanunsyo ni Wick Veloso, GSIS president at general manager, araw ng Lunes, Hulyo 15, ang paglulunsad ng bagong programa, nagbibigay-daan sa mga ‘borrowers’ na pumili mula […]

  • DOJ: Quiboloy kinasuhan na ng sexual, child abuse, human trafficking sa mga korte

    NAGSIMULA na ang legal proceedings sa Davao City Prosecutor’s Office laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder, Pastor Apollo C. Quiboloy at ilang kasamahan.     Kasunod na rin ito ng direktiba mula sa resolusyon na “AAA v. Quiboloy et.al.”, na inilabas noong Marso 25, 2024 ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.     […]

  • Utang ng PhilHealth sa Red Cross lumobo sa P623 milyon

    Muling lumobo ang utang ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa Philippine Red Cross (PRC).   Sinabi ni Sen. Richard Gordon, chairman ng PRC na simula nitong Disyembre 1 ay mahigit sa P623 milyon ang utang ng PhilHealth.   Giit ni Gordon, patuloy pa rin tataas ang bayarin ng PhilHealth dahil araw-araw ay may P25 […]