Zero allocation para sa gumagawa ng health supplies, PPEs sa ilalim ng 2021 nat’l budget – solon
- Published on October 1, 2020
- by @peoplesbalita
WALANG nakalaang pondo para sa subsidiya sa mga local manufacturers ng health supplies at personal protective equipment (PPEs) sa ilalim ng P4.5- trillion proposed 2021 national budget.
Pag-aamin ito ni Bukidnon Rep. Manuel Zubiri plenary deliberations ng Kamara sa proposed budget ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pagtatanong ni Gabriela partylist Rep. Arlene Brosas.
Sa kanyang interpellation, pinuna ni Brosas ang aniya’y “inadequate” response ng pamahalaan sa pandemya at sa epekto nito sa iba’t ibang sektor ng lipunan.
Kung siya lamang umano ang masusunod, nais din ni Zubiri na mabigyan ng subsidiya ang manufacturing sector tulad nang isinasagawa sa iba pang mga bansa sa Southeast Asia, Europe o North America.
Maari sanang gamitin aniya ang subsidiyang ito bilang pambayad sa sweldo ng kanilang mga empleyado.
Gayunman, sinabi ni Zubiri na titiyakin niyang matutugunan ang concerns ni Brosas pagdating sa mga local manufactureres ng health supplies at PPEs.
Sa ilalim ng 2021 National Expenditure Program, ang DTI ay humihingi ng P22.4 billion na budget. (Daris Jose)
-
Ika-161 na Malasakit Center, binuksan sa bayan ng Bocaue
LUNGSOD NG MALOLOS – Upang makapagbigay ng accessible na serbisyong pangkalusugan at suporta sa mga Bulakenyo, pinangunahan nina Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, Senador Joel “Tesdaman” Villanueva kasama sina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro ang Pagbubukas ng Ika-161 na Malasakit Center sa Joni Villanueva General Hospital sa Bocaue, Bulacan kamakailan. […]
-
Facebook, patuloy na nagpa-flag, delete, ‘spam’ ng mga PNA posts
SA KABILA ng kawalan ng paghingi ng paumanhin dahil “nagkamali”, patuloy naman ang ginagawa ng social media giant Facebook (Meta) na pagbawalan ang mga netizens na mag-post at mag-share ng mga piling stories o istorya mula sa Philippine News Agency (PNA) website para sa di umano’y paglabag laban sa “community standards”. Sabado ng […]
-
LeBron, binitbit ang Lakers tungo sa 135-115 pagdomina sa Blazers
Nangangailangan na lamang ng isang panalo ang Los Angeles Lakers para makapasok sa semifinals matapos na tambakan nila ang Portland Trail Blazers, 135-115, sa Round 4 ng kanilang best-of-seven playoff series. Namayani nang husto si LeBron James na nagpakawala ng 30 big points at 10 assists, na dinagdagan ni Anthony Davis ng 18 points […]