Zubiri, Romualdez nagkasundo: ‘Word war’ tigil na
- Published on February 16, 2024
- by @peoplesbalita
NAGKASUNDO na sina Senate President Juan Miguel Zubiri at Speaker Martin Romualdez na itigil na ang “word war” sa pagitan ng dalawang kapulungan ng kongreso dahil sa kontrobersiya sa Charter Change sa pamamagitan ng People’s initiative (PI).
Ayon kay Zubiri, ginawa nila ang kasunduan sa harap mismo ni President Bongbong Marcos sa birthday celebration ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa Malacañang.
Sa harap ng Pangulo ay nagkamayan sila at nagkausap ni Romualdez at napagkasunduan din na itigil na ang bangayan at sa halip ay propesyunal na magtrabaho para sa benepisyo ng administrasyon at ng mga Filipino.
Sa tanong kung mayroong utos sa mga miyembro ng Senado at Kamara na itigil ang bangayan, sinabi ni Zubiri na depende ito sa mga senador at kongresista, subalit sa panig nila ay handa naman silang kalimutan ang lahat.
Dahil dito kaya umaasa si Zubiri na magkakaroon na ng “smooth flow” sa bicameral conference committee meeting at sa mga hearing ng Committee on Appointments.
Sa tanong naman kung susunod ang Senado sa panawagan ng Kamara na itigil ang imbestigasyon sa people’s initiative, sagot ni Zubiri hindi niya maaaring pigilan ang mga miyembro ng komite na ituloy ang pagdinig. (Daris Jose)
-
DOLE pinaalalahanan ang mga first-timer jobseeker na samantalahin ang mga libreng pagkuha ng pre-employment documents
NAGPAALALA ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga first-time jobseekers na samantalahin ang libreng pagkuha ng mga pre-employment documents. Ayon sa DOLE na hindi na dapat maging sagabal ang kawalan ng budget para sa mga bagong graduate para makakuha ng mga kinakailangang dokumento. Kinabibilangan ito ng mga birth and […]
-
Pagbebenta ng bakuna laban sa Covid-19 at slot, bawal-Malakanyang
IPINAGBABAWAL ng pamahalaan ang pagbebenta ng bakuna at slot. Napaulat kasi na hindi lalagpas sa P15,000 pesos ang ibinebentang bakuna, depende sa brand at pag-aalok ng slots sa COVID-19 vaccination program. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, pupuwedeng makulong at makasuhan ang isang indibidwal na sangkot sa ganitong ilegal na gawain. “Well, […]
-
‘Customers na mababa ang konsumo hanggang Dec. 31, ‘di pwedeng putulan ng kuryente’ – ERC
INATASAN ng Energy Regulatory Commission ang mga distribution utilities tulad ng Meralco na huwag munang putulan ng kuryente ang mga customer na mababa ang naging konsumo hanggang December 31, 2020. “Distribution Utilities (DUs) are directed NOT to implement any disconnection on account of non-payment of bills until December 31, 2020 for consumers with monthly […]