Zubiri, susunod na Senate President
- Published on June 3, 2022
- by @peoplesbalita
SINIMULAN na ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na pumili ng magiging katuwang niya sa mga komite sa Senado.
Kasunod ito ng lumilinaw nang Senate presidency, makaraang umatras na sa laban si Sen. Cynthia Villar.
Dahil sa naturang development, formality na lang ang kailangan para sa pag-upo niya bilang pinuno ng kapulungan sa pagpasok ng 19th Congress.
Kabilang sa mga pinangalanan na sina Sen. Loren Legarda bilang President Pro Tempore;
Sen. Sherwin Gatchalian — basic education and ways and means,
Sen. Nancy Binay — tourism and accounts,
Sen. Sonny Angara — finance
Sen. Robin Padilla – constitutional amendments and revision of codes
Habang si Sen. Chiz Escudero ay ikinokonsiderang chairman ng justice committee.
Tiniyak ni Zubiri na mananatili ang independence ng Senado sa pagpasok ng susunod na administrasyon. (Daris Jose)
-
PBBM, hinikayat ang mga magulang na pabakunahan ang mga anak
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga magulang o guardians na pabakunahan ang mga maliliit o sanggol pa nilang anak. Layon nito na maprotektahan ang kanilang mga anak laban sa vaccine-preventable diseases gaya ng pertussis, polio, at tigdas. Sa isang vlog, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pagbibigay ng ‘affordable at […]
-
Mga magwo -walk in sa National Vaccination day, hindi dapat na tanggihan – National Vaccination Operation Center
HINDI kailangang tanggihan ang mga walk-ins para sa tatlong araw na National Vaccination Day na nakatakda sa November 29, 30 at December 1. Ito ang inihayag ni Dr Kezia Rosario ng National Vaccination Operation Center lalo’t maituturing na “big day” ang nakatakdang kaganapan na naglalayong lalo pang mapataas ang mga bakunadong Pilipino. Sinabi […]
-
Indonesia, pumayag na ilipat si Mary Jane Veloso sa Pinas-PBBM
PUMAYAG ang Indonesian government sa naging kahilingan ng Pilipinas na ilipat ang convicted overseas Filipino worker (OFW) na si Mary Jane Veloso sa lokal na bilangguan. “Mary Jane Veloso is coming home,” ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa isang kalatas. Sinabi nito na ang pagbabalik ni Veloso sa bansa ay produkto […]