₱12B Comelec funding, hindi para sa Cha-cha plebiscite
- Published on January 19, 2024
- by @peoplesbalita
KINATIGAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang ginawang pagtanggi ng Commission on Elections (Comelec) na inilaan para sa plebisito ng Charter change (Chacha) ang P12 billion na additional funding ng Komisyon sa ilalim ng 2024 national budget.
“It is not for the purpose of Charter Change but may be used for various activities of the COMELEC such as the preparation of national and local elections, overseas absentee voting, continuing registration, recall, special elections, referenda, and other initiatives,” ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman.
Ayon sa Kalihim, may diskresyon ang Comelec na gamitin ang budget na isinama ng bicameral conference committee ng Kongreso para sa plebesito kung magdedesisyon ang gobyerno na isulong anumang pagbabago o maging ito man ay people’s initiative.
Sinabi naman ni Comelec Chairperson George Garcia, na nang ibinigay sa kanila ang pondo ay wala naman ang alingasngas tungkol sa People’s Initiative.
Binigyang diin ni Garcia na sinikap lamang nilang maibalik ang P17.4 billion na tinanggal sa kanila sa national budget, subalit P12 million lang ang naaprubahan.
Kamakailan ay kinumpirma ni Garcia na humirit ang poll body ng ibalik ang tinapyas sa kanilang pondo para sa pagsasagawa at pangangasiwa sa mga eleksyon, referenda, recall votes, at plebesito.
Sinabi pa rin niya na nauna nang naglaan ang DBM ng P2-billion budget para sa Comelec sa 2024 National Expenditure Program (NEP), Sinasabing P17.4 billion na mas mababa sa paunang panukala na P19.4 billion. (Daris Jose)
-
P73.2B inilaan sa COVID-19 vaccine ng 60M Pinoy
Naglaan ng P73.2 bilyon ang pamahalaan para sa 60 milyong Filipino mabakunahan kontra coronavirus disease (COVID-19) ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III. “Ang total niyan is about P73.2 billion financing. That’s pretty much almost fixed… [that] is good for 60 million people to be vaccinated,” saad nito sa Pangulo sa ginanap na briefing, […]
-
Mahigit 36.6-K trained personnel, nakahandang tumugon sa epekto ng ST Pepito – OCD
Nakahandang i-deploy ang mahigit 36,600 personnel na sanay sa mga search, rescue, at humanitarian operations sa pananalasa ng Super Typhoon Pepito. Ang mga ito ay mula sa iba’t-ibang mga hanay tulad ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Philippine Coast Guard. Maliban sa mga manpower, nakahanda rin ang kabuuang 2,299 assets na magagamit […]
-
DEREK, dapat payuhan na ‘wag nang mag-react sa bashers at mag-move on na kay ANDREA; mag-focus na lang kay ELLEN
SANA ay may magpayo na rin kay Derek Ramsay na hangga’t maaari, baka gusto niyang ‘wag ng magreak nang mag-reak sa mga bashers. At move-on na rin talaga sa kasasagot o kaka-mention about Andrea Torres. Mukhang sa halip na makuha niya ang simpatiya ng netizens sa pagsagot niya sa minsan o […]