₱4-₱6 taas-pasahe sa MRT-3, inihirit
- Published on February 3, 2023
- by @peoplesbalita
MAGING ang pamunuan ng Manila Rail Transit Line 3 (MRT-3) ay humihirit na rin ng taas-pasahe dahil sa kawalan umano nito ng kita.
Nabatid na naghain ang MRT-3 ng petisyon sa Rail Regulatory Unit ng Department of Transportation (DOTr) para sa fare rate increase na mula P4 hanggang P6.
Sakaling maaprubahan ang naturang fare hike petition, ang minimum charge ng MRT-3 para sa biyahe mula North Avenue station hanggang GMA Kamuning ay inaasahang magiging P17 na mula sa kasalukuyang P13, habang ang maximum charge naman mula North Avenue station hanggang Taft Avenue ay magiging P34 mula sa kasalukuyang P28.
Ayon sa MRT-3, napapanahon na ang pagtataas ng pasahe dahil ang kanilang gastusin ay umaabot na sa P8,969,179,830.02 hanggang noong Nobyembre 2022, habang ang total revenue nito ay nasa P1,107,523,425.23 lamang.
Nagreresulta anila ito sa deficit na P7,861,656,404.79 o P88.34 government subsidy kada pasahero.
Nakatakda namang magpatawag ang DOTr ng public consultation hinggil sa petisyon sa Pebrero 17 upang makuha ang opinyon ng publiko, na siyang maaapektuhan nito.
Bukod sa MRT-3, inaasahan din namang magdaraos ng public hearing para sa hiling ng mga ito na P2.50 fare hike na hiling ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2). (Daris Jose)
-
94% ng NCR public schools, nakapag-full face to face classes na
INIULAT ng Department of Education (DepEd) na 94% na ng mga public schools sa National Capital Region (NCR) ang nakabalik na sa pagdaraos ng limang araw na full face-to-face classses simula kahapon, Nobyembre 2. Ito ay mahigit dalawang taon matapos ang pagsisimula ng COVID-19 pandemic. Base sa ulat ng DepEd-NCR, sinabi […]
-
Duterte sa DENR: Illegal mining sa Cagayan imbestigahan
Pinaiimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Enrivonment Secretary Roy Cimatu ang umano’y illegal mining na dahilan ng malawakang landslides at pagbaha sa kasagsagan ng bagyong Ulysses sa lalawigan ng Cagayan at Isabela. Ito ang ipinag-utos ni Duterte sa ginanap na situation briefing sa Cagayan kung saan maaaring ang talamak na mining activities umano sa […]
-
Ads May 27, 2024