• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1.1 milyong passport slots hanggang Disyembre, binuksan

NAGBUKAS  ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng mas maraming passport appointment slots simula ngayong linggo hanggang Disyembre 2022.

 

 

Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na hindi bababa sa 800,000 slots ang ginawang available bilang bahagi ng pagsisikap ng DFA na pahusayin ang kasalukuyang serbisyo ng consular.

 

 

Plano rin ng DFA na magbukas ng humigit-kumulang 300,000 slots bago matapos ang taon.

 

 

Sa isang event ng DFA sa Parañaque City, sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary for Consular Affairs Henry Bensurto Jr. na ang mga slot ay para lamang sa loob ng dalawang linggo bago ang pagbubukas ng mahigit 800,000 appointment slots.

 

 

Idinagdag ni Bensuarto na mabibigyan ang publiko ng mas maraming pagpipilian sa iskedyul at site ng aplikasyon, at mapipigilan din ang paglapit nila sa mga fixers.

 

 

Kailangan din aniyang dagdagan ang bilang ng mga slots hindi lamang sa “daily basis” kundi sa “monthly basis” at upang magawa ito ay dapat pag-isipan ang mismong sistema upang madagdagan ang kapasidad ng iba’t ibang consular offices.

Other News
  • Ads March 17, 2021

  • Fajardo isasabong na sa Abril ni Austria sa SMB

    HINDI na pala dapat mag-aalala ang mga tagasunod ng Philippine Basketball Association (PBA) at ng San Miguel Beer.     Inalis na kamakalawa ni Leovino ‘Leo’ Austria ang pangamba ng mga fan hinggil sa pagbabalik na ni June Mar Fajardo sa 46th PBA 2021 Philippine Cup na magbubukas sa Abril matapos ang 36th PBA Draft […]

  • Grab, kinastigo ng LTFRB sa hearing sa surge fee

    KINASTIGO ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board ( LTFRB) ang My Taxi Philippines/ Grab dahil sa walang dalang kaukulang dokumento na nagpapatunay sa alegasyon  na sila  ay nagka-COVID kaya hindi nakarating sa nagdaang public hearing noong Disyembre.     Ang public hearing ay isinasagawa patungkol sa reklamong surge fee na sinisingil ng Grab sa […]