1.2-B HALAGA NG IBA’T IBANG URI NG DROGA WINASAK NG PDEA
- Published on June 25, 2021
- by @peoplesbalita
WINASAK ng Philippine Drug Enforcement Agency ang may halos isang tonelada ng iba’t ibang uri ng droga at mga kemikal na gamit sa paggawa ng mga ito na kanilang nasamsam sa iba’t ibang operasyon. Umaabot sa halagang P1,295,050,354.65 ang mga winasak na droga sa pamamagitan ng thermal composition o pagsunog sa isang makina sa may Trece Martires Cavite City.
Pinakamaraming droga na winasak ay ang shabu pa rin na umaabot sa 133,134.40 gramo na may street value na aabot sa P905,313,916, sumunod ang liquid shabu. Habang nasa 3,585.40 gramo ng cocaine na aabot ang street value sa P19,002,638.55.
Ayon kay PDEA chief Wilkins Villanueva ang pagwasak nila ng mga droga ay alinsunod sa Section2 Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive dangerous Drugs Board Regulation No.1 Series of 2002. Dagdag pa ni Villanueva dito ay ipinapakita rin ng PDEA na transparent sila na tunay na winawasak ang mga droga na nasamsam nila. Bago naman pinasok sa incinerator ang mga droga ay pinakita sa publiko at mga guest ng PDEA ang pag testing ng mga ito upang mapatunayan na mga droga ang mga ito. (RONALDO QUINIO)
-
Tig-5K na ayuda bigay sa 674 students sa Maynila
NASA 674 estudyante sa Maynila ang pinagkalooban ng tig-P5,000 tulong pinansyal sa pangunguna ni Manila City Mayor Honey Lacuna-Pangan. Pawang mga estudyante mula sa mahihirap na pamilya ang inabutan ng tulong pinansyal ni Lacuna at ng mga opisyal ng Manila Social Welfare and Development (MSWD) sa San Andres Sports Complex. Nabatid […]
-
“Safer and easier” air travel experience, mararanasan ng mga pasahero sa PTB sa Clark International Airport
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na papayagan ng bagong passenger terminal building (PTB) sa Clark International Airport (CRK) ang mga pasahero na i-enjoy ang “safer and easier” air travel experience sa kabila ng umiiral na coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic. Ang pagtiyak na ito ni Pangulong Duterte ay kasabay nang pagbibigay puri […]
-
Operasyon ng MRT 3 hinto muna
Hinto muna ang operasyon simula kahapon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID 19 na may naitalang186 workers ang infected. Sinabi ng management ng MRT 3 na baka sakaling hanggang Sabado pa abutin ang pagsasara ng nasabing rail line. “The shutdown may be extended […]