• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1.4-million doses ng Sinovac vaccines, darating sa PH ngayong Marso: Galvez

Inamin ni Vaccine czar Carlito Galvez na madadagdagan pa ng 1.4-million doses ang supply ng Pilipinas sa coronavirus vaccines na gawa ng Chinese pharmaceutical company na Sinovac.

 

 

“Mayroon nang parating, na-procure na 1-million (doses) na darating sa March 21; and with the generosity of the Chinese government, another 400,000 (doses) will be given to us,” ani Galvez.

 

 

Noong nakaraang Linggo nang unang dumating sa bansa ang 600,000 doses na donasyon ng Chinese government.

 

 

Sa ngayon matagumpay na raw na nai-deliver ang unang 331,000 doses sa lahat ng regional offices ng Department of Health (DOH) sa buong bansa.

 

 

Nakatakda namang ipamahagi ang natitirang doses kapag sinimulan na ang pagbabakuna para sa second dose.

 

 

“Yung dito sa Metro Manila, yung Sinovac na first dose, almost deployed at consumated na. Yung next nila is yung second dose.”

 

 

“Nakita natin na mabilis yung rollout kasi once dumating sa kanila (hospitals), kinabukasan nagro-rollout agad sila. So I don’t think there’s no confusion.”

 

 

Sa ilalim ng rekomendasyon ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG), ibibigay ang ikalawang dose ng Sinovac vaccine matapos ang apat na linggo.

 

 

Ayon kay Galvez, pumapalo na ng hanggang 15,000 doses ng bakuna kada araw ang naro-rolyo ng gobyerno sa higit 100 ospital.

 

 

Target ng pamahalaan na maturukan ang nasa 1.7-million healthcare workers, na pinaka-una sa priority list ng National Vaccination and Deployment Plan for COVID-19 vaccines.

 

 

Para magawa ito, kakailanganin daw ng 4-million doses ng bakuna para pa lang sa hanay ng medical frontliners.

 

 

Ngayong gabi may nakatakda pang dumating na 38,700 doses ng AstraZeneca vaccines na mula sa COVAX facility ng World Health Organization. (Daris Jose)

Other News
  • THE HIGHLY-ANTICIPATED LIVE-ACTION ADAPTATION OF ‘THE PROMISED NEVERLAND’ TRAILER IS OUT

    THE trailer to the highly-anticipated live-action adaptation of The Promised Neverland is finally here, a few months before it premieres in Japanese cinemas this December! Watch it below: https://www.youtube.com/ watch?v=1oiXaPeXCbo&feature=emb_logo   The Promised Neverland centers on a group of orphans who live a good life at the Grace Field House. That is until two kids […]

  • Olympic gold medalist Carlos Yulo, miyembro na ng PH Navy Reserve Force

    Miyembro na ng Philippine Navy Reserve Force ang 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.     Opisyal na nanumpa si Yulo bilang Petty Officer 1st Class noong Lunes sa headquarters ng PH Navy.     Ayon sa Pinoy Gymnast, proud siyang mabigyan ng naturang pribilehiyo na ma-enlist sa PH Navy Reserve Force, isang […]

  • ‘Middleman’ sa Percy Lapid killing, namatay sa Bilibid

    PATAY  na ang sinasabing ‘middleman’ at kumontak sa self-confessed gunman na si Joel Escorial at tropa nito upang likidahin ang broadcaster na si Percival Mabasa o Percy Lapid ng DwBL.     Kinumpirma ni Justice Secretary Crispin Remulla na Oktubre 18 pa ng hapon namatay si Crisanto Palana Villamor, na kilala rin bilang ‘Idoy” na […]