Zero COVID case reward sa Maynila, suportado ng DOH
- Published on September 4, 2020
- by @peoplesbalita
“Huwag itago ang tunay na estado ng kaso COVID-19 sa kanilang lugar.”
Ito ang paalala ng Department of Health (DOH) kasunod ng pagbibigay ng reward na P100,000 ang pamahalaang lungsod sa mga barangay sa Maynila na makakapagtala ng zero COVID-19 case sa loob ng dalawang buwan na magsisimula sa September 1 hanggang October 31.
Bagamat suportado ng DOH ang proyekto ng pamahalaang lungsod ng Maynila, mainam din ayon sa ahensya na magsabi ng totoo ang mga barangay sa paglalabas ng datos dahil kung may itatago sila ay hindi ito makakatulong sa kahit na sino.
Sinabi ng DOH na bilang local chief executive, may “local autonomy” si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa kanyang nasasakupan.
Una na ring sinabi ng alkalde na ang mga datos ay iba-validate ng Manila Health Department mula sa pampubliko at pribadong mga ospital.
Ikinatuwa naman ng DOH ang ginagawang hakbang ng Maynila para lamang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa komunidad.
Sa paraang ito ng Maynila, umaasa ang DOH na maraming maeengganyo na sumunod sa health protocol na ipinatutupad ng Kagawaran at ng gobyerno. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Ads October 7, 2023
-
3 drug suspects kulong sa P160K shabu sa Malabon
KULONG ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P160K halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina alyas Obet, 45, alyas Bosho, 36, at alyas Bok, […]
-
Chanelle Avaricio pasok sa final round
SUMULONG si Chanelle Avaricio sa last two round finals nang makapagsalba ng two-over 74 (38-36), pero kinapos naman ng isang palo si top amateur Lois Kaye Go para sumablay sa kalahatian ng 10th Thai Ladies Professional Golf Association Tour 2023 Leg 2 NSDF Ladies Classic Huwebes ng hapon sa Treasure Hill Golf Club sa Chonburi, […]