1.7M na RFID stickers nakabit sa mga sasakyan, SMC humihing ng extension sa deadline
- Published on December 9, 2020
- by @peoplesbalita
Naitala ng San Miguel Corporation (SMC) na may 1.7 million na RFID stickers ang nakabit na sa mga sasakyan subalit humihing pa rin na palawigin pa ang deadline ng paglalagay ng cashless transaction policy sa lahat ng expressways.
Hiniling ni SMC president Ramon Ang sa Department of Transportation (DOTr) na bigyan nila ng konsiderasyon ang malaking bilang ng mga motorista na hindi pa nakakakuha ng kanilang radio frequency identification (RFID).
“I have been monitoring the situation. Our sticker installation sites are still packing long lines, especially over the weekend. Given the surge in last-minute applications, we don’t think we will be able to serve everyone. A large number of motorists will not make it to the deadline,” wika ni Ang.
Sinigurado naman ni Ang sa DOTr na lahat ng lanes sa toll plazas ng SMC expressways ay handa at 100 percent fully equipped upang lumipat sa electronic toll collection.
Dahil sa napakarami ang bilang ng applications, hindi sapat ang kanilang pagpupunyagi kahit pa magbukas sila ng karagdagan na 100 RFID sticker installation sites at 24 na oras na bukas ang mga major locations.
“My honest opinion is we will need at least until February. We are asking the government to allow us to retain a few cash lanes until February. The tollway operators have complied and equipped all lanes for cashless transactions. We can then assign some lanes for continued stickering and at least one lane for cash payment. This is in case traffic builds up due to long lines at toll plazas. Some motorists can still opt to pay in cash and have their sticker installed on their next trip,” dagdag ni Ang.
Ang dating desisyon ng pamahalaan na palawigan pa ang deadline mula Nov. 2 hanggang Dec. 1 na walang multa hanggang Jan. 11 sa susunod sa taon ay ang tamang desisyon.
Saad pa rin ni Ang na dumami ang kumukuha ng RFID dahil sa mga non-regular users ng expressways na gustong habulin ang December na deadline ang isa sa mga rason kung bakit mahaba pa rin ang pila sa mga installation sites.
Ang SMC ay siyang operator ng Southern Tagalong Arterial road, Southern Luzon Expressway, Skyway System, NAIA Expressway at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway.
Samantala sina naman ng Toll Regulatory Board (TRB) na handa na para sa kabuohang imlementasyon ng cashless transaction policy sa lahat ng expressway. (LASACMAR)
-
Paghuhubad sa maskara sa mga communist-terrorists, bahagi ng ‘sacred duty”
PINAGTANGGOL ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang sarili nito mula sa panawagan ni Justice secretary Menardo Guevarra na iwasan na ang red-tagging nang walang konkretong ebidensiya. Ang buwelta ni NTF- ELCAC spokesperson Undersecretary Lorraine Badoy sa pahayag na ito ni Guevarra ay ginagawa lamang nila ang kanilang […]
-
MARICEL, pinupuri ng netizens sa mahusay na pagganap sa ‘Mano Po Legacy’; si DONNY ang nag-convince na tanggapin
PINUPURI ng netizens ang pagganap ni Maricel Laxa bilang ang common-law wife na si Valerie Lim sa GMA primetime teleserye na Mano Po Legacy: The Family Fortune. Sa mga tagahanga pa rin ng award-winning veteran actress, hindi pa rin daw nawawala ang husay ni Maricel sa pag-arte na hinangaan nila noon sa mga […]
-
Ateneo, La Salle muling magtutuos!
MULING magkukrus ang landas ng mortal na magkaribal na Ateneo de Manila University at De La Salle University sa pagsisimula ng second round ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 84 men’s basketball tournament ngayong araw sa Mall of Asia Arena. Nakatakda ang bakbakan ng Blue Eagles at Green Archers sa […]