Pinoy athletes, kanya-kanya ring diskarte sa gitna ng COVID pandemic
- Published on July 3, 2020
- by @peoplesbalita
Pumapatok ang mga negosyo ng Filipino athletes na kanilang paraan sa gitna ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Tulad nalang ng Philippine Basketball Association (PBA) players na sina Blackwater Elite forward Carl Bryan Cruz at ng kanyang girl friend na nagtitinda ng cleaning and disinfectant tools tulad ng alcohol, dishwashing liquid at iba pa.
Sinamantala naman ng PBA player na si Bambam Gamalinda ang pagiging fan niya ng Sinugba o mga pagkaing luto sa uling.
Ilan sa mga suki niya ay mga katulad ding basketbolistang sina Arwind Santos, Marc Pingris, Junemar Fajardo, Rome Dela Rosa, at Jio Jalalon.
Habang ang 2016 Rio Olympian na si Mary Joy Tabal ay kinagiliwan ang pagbi-bake na bumibenta rin naman.
”Now I’m staying at home while doing my at home workout and learning some baking, cooking at iba pa. I’ve been into anxiety, stress and worried but as days passed by parang na realize ko overthinking won’t help me and won’t help everyone lalo na sa family ko na magiging affected din pag hindi ako okay,’‘ ani Tabal.
-
PDU30 itinaas sa 16-anyos sexual consent mula sa dating 12 taon
TININTAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act 116481 na magpapalakas hindi lamang sa Anti- Rape Law kundi gayundin sa inamyendahang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. Dahil dito, mula sa dating 12 taon pababa ay magiging 16 years old pababa na ang magiging saklaw sa edad […]
-
Ads October 10, 2022
-
Ginamit na campaign materials, maayos na itapon – DENR
HINIKAYAT ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Acting Secretary Jim O. Sampulna ang mga kandidato ng 2022 national at local elections na linisin at itapon ng maayos ang kanilang campaign materials alinsunod na rin sa nakasaad sa Republic Act (RA) 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000. “Win […]