• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1 pang suspect sa Caloocan masaker, sumuko

SUMUKO sa Caloocan City Police ang isa sa apat na suspek na sangkot sa pagmasaker sa dalawang nursing graduate at nursing student noong Setyembre 27.

 

Kinilala ni Caloocan City Police chief, Col. Dario Menor ang suspek na si Anselmo Singkol, 37, construction worker at tubong Samar.

 

Isang retiradong kaanak ang nagkumbinsi kay Anselmo na sumuko.

 

Matatandaang una nang nadakip ang mga kapatid ni Anselmo na sina Alden at Adonis na kapwa persons of interest sa karumal-dumal na krimen.

 

Ang magkakapatid ay pawang mga suspek sa pamamaslang kina Glydel Beloni, 23 at Mona Ismael Habibolla, 22, kapwa nursing graduate at estudyanteng si Arjay Belencio , 22.

 

Natagpuan ang tatlo na tadtad ng mga saksak sa katawan at naliligo sa ariling dugo sa loob ng kanilang ipinagagawang bahay sa Catmon St., Phase 1, Brgy. 179, Amparo Subd., Caloocan City.

 

Nawawala ang mga ATM at mahahalagang gamit ng mga biktima. Nahaharap ang mga suspek sa kasong murder. (Gene Adsuara)

Other News
  • ‘Never wish ill on others’, dahil mabilis ang karma: JESSY, nag-react sa pagkakasama ng photo ni LUIS sa mga ‘crying grooms’

    NAG-REACT si Jessy Mendiola-Manzano sa pagkakasama ng asawa niyang si Luis Manzano sa isang FB post na kung saan ang ‘crying grooms’ daw ay kalimitan ay nagpi-fail ang marriage at napupunta sa hiwalayan.   Sa bandang huli ng post, “Oh yung nasa last na photo putulin na ang sumpa o uunahan ka ni senyorita Jessy […]

  • Pangulong Marcos: Vice President Sara ‘di sisibakin sa DepEd

    SINIGURO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi niya sisibakin o papalitan sa pwesto si Vice President Sara Duterte.     Ayon sa Pangulo, ang hindi pagkakaintindihan ng kanyang maybahay na si First Lady Liza at ni Duterte ay hindi sapat para sibakin niya ang huli bilang kalihim ng DepEd.     Tiniyak din ng […]

  • Kelot na nagpakilalang pulis arestado sa Malabon

    BAGSAK sa kalaboso ang isang electrician matapos magpakilalang miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa Malabon city.     Nahaharap sa kasong Usurpation of Authority or Official Functions (Art 177 of RPC) ang naarestong suspek na kinilalang si Arvin Busa, 26 ng Blk 9, Lot 31, 4th St. Brgy. Tañong.     Ayon kina Malabon police […]