1 patay, 2 arestado sa pakikipagbarilan sa pulis sa Malabon
- Published on May 28, 2021
- by @peoplesbalita
DEDBOL ang isang umano’y holdaper matapos makipagbarilan sa rumespondeng mga pulis habang arestado naman ang dalawang kasama nito sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.
Dead-on-arrival sa Ospital ng Malabon sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan si Jason Danco, 33 ng Sitio 6, Dumpsite, Brgy. Catmon habang kinilala naman ang mga naaresto na si Arnold Banjola, 31 ng Dulong Hernandez at Robin Salazar, 38 ng Dr. Lascano St. Brgy. Tugatog.
Sa report nina police investigators PSSg Jeric Tindugan at PCpl Renz Marlon Baniqued kay Malabon police chief Col. Albert Barot, nakatanggap ng tawag sa telepono mula sa Tactical Operation Center (TOC) ng Malabon police ang mga tauhan ng Sub-Station (SS-5), SS-2 at SWAT team hinggil sa nagaganap na insidente ng holdapan sa kahabaan ng Dr. Lascano St. Brgy. Tugatog.
Tatlo ang napaulat na mga suspek kung saan dalawa sa mga ito ang may bitbit na patalim habang armado naman ng baril ang isa na kinilalang si Jason Danco na nagsitakas patungo sa gilid ng isang creek sa Dr. Lascano.
Mabilis na rumesponde sa naturang ang mga pulis dakong alas-2:50 ng hapon saka hinabol ang mga suspek na nagresulta sa pagkakaaresto kay Banjola at Salazar kung saan nakuha sa kanila ang dalawang patalim.
Sa halip namang sumuko, pinaputukan ni Danco ang mga pulis na napilitan namang gumanti ng putok na nagresulta ng kanyang kamatayan at nabawi sa kanya ang isang cal. 38 revolver na may isang bala at dalawang basyo ng bala. (Richard Mesa)
-
Centaurus Omicron subvariant, nakapasok na sa Pinas
NANINIWALA ang mga eksperto na maaring nakapasok na sa bansa ang bagong BA.2.75 o Centaurus Omicron subvariant. Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group, ang inaasahan nilang posibleng peak o pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay hindi pa nangyayari at patuloy pa sa pagtaas ang mga kaso. […]
-
Bibigyan ng katarungan ang pagkamatay ng OFW na si Mary Anne Daynolo
TUTUPARIN ng pamahalaan ang pangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng Pinay worker na si Mary Anne Daynolo. Si Mary Anne Daynolo ay isang OFW na nawawala mula noong March 4, 2020 10:30 PM (Abu Dhabi time) sa kanyang pinagtatrabuhan sa The St. Regis Saadiyat Island Resort, Abu […]
-
Pagsisimula ng FIFA World Cup napaaga
INIURONG ng mga organizers ng men’s 2022 FIFA World sa Qatar ang araw ng pagsisimula nito. Imbes kasi na sa Nobyembre 21 ay ginawa na lamang ito sa Nobyembre 20. Ito ay para payagan ang paglalaro ng host nation na Qatar laban sa Ecuador sa unang. Ang nasabing desisyon […]