• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1 PATAY, 6 SUGATAN INARARO NG KOTSE

ISA ang patay habang anim ang sugatan nang araruhin ng isang kotse sa Binondo, Manila.

 

Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa namatay habang kinilala ang mga nasugatan na sina Jerry del Rosario, 41, ng Montalban Rizal; Adriano Limse, 38 pedicab driver ng Kagitingan Tondo, Manila; Ryan Caranzo , 39 ng Dagupan, Tondo; Jonathan Ratin, 40 ng san Jose Del Monte Bulacanat dalawang iba pa.

 

Sa ulat ni PSMSgt Michael Anthony Ramitrez, Traffic Investigator ng MDTEU, dakong alas- 7:30 kahapon ng umaga nang naganap ang insidente sa kahabaan ng CM Recto , sa St Crsito hanggang Ylaya Sts, Binondo, Manila  habang ang suspek ay si Armando Pitas, 55 ng Western Bicuatn, Taguig City at driver ng isang kulay pulang Hyundai Accent na may plakang NDL 9295.

 

Nabatid na minamaneho ng suspek ang kanyang kotse habang binabagtas ang nasabing lugar nang nawalan umano ito ng kontrol sa kanyang manibela na nagresulta sa pagkakaaksidente sa mga biktima. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Nag-leave sa senado para magpagaling: Sen. BONG, ‘di na muna itutuloy ang pagbabalik-pelikula

    IIWANANG pansamantala ni Senator Bong Revilla ang senado.       Nag-medical leave ang senador last Tuesday, May 14 ayon na rin sa payo ng kanyang mga doktor.       Kailangan kasi ni Sen. Bong na ipahinga nang husto ang kanang paa na kailangan ang maayos at mabilis na pagpapagaling nito.       […]

  • PBBM nakatutok sa paghina ng piso

    MAHIGPIT  na binabantayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paghina ng piso laban sa US dollar, ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.     Bagaman at hindi napag-usapan sa isinagawang meeting ng Gabinete ang isyu sa paghina ng piso kontra dolyar, patuloy na nakikipag-ugnayan ang Pangulo sa kanyang economic team.     Naitala noong Setyembre […]

  • FAN-LESS GAMES, LEBRON BOYKOT SA NBA

    BINABALAK ng NBA na magkaroon ng ilang laro na hindi magpapapasok ng mga fan sa game venue upang maiwasan ang pagkahawa sa nakamamatay na coronavirus.   Hindi sang-ayon dito si NBA Lakers supertstar LeBron James na maglalaro sila ng walang fans na nanonood dahil sa banta ng coronavirus o COVID19.   “We play games without […]