• May 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 12th, 2020

Internet service sa bansa, malayo pa sa pagiging world class

Posted on: December 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MALAYO pa sa pagiging world class ang internet service sa bansa

 

Ito’y dahil hindi sapat ang sinasabing improvement ng mga telcos para makuntento na ang taumbayan sa serbisyong ibinibigay ng mga ito sa kanilang mga kliyente.

 

Ayon kay  Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi naman nila isinasantabi ang naging improvement ng mga higanteng kumpanya ng telcom companies pero may hinahanap pa rin aniya ang publiko.

 

Ang gusto ng mga Filipino  ay maging world class ang serbisyo ng dalawang higanteng kumpanya at makasabay sa klase ng internet service ng ibang mga bansa.

 

Tuwirang sinabi ni Sec. Roque na ang Pilipinas bilang nasa ika- 34 sa ranking ng 50 mga bansa dito sa Asya kung pag- uusapan ay internet speed ay hindi talaga masasabing pang- world class.

 

Pinakamainam na serbisyo ang gusto ng mga tao na sa sandaling maibigay ay doon lang masasabing world class ang ang ating internet service.

 

” Well, hindi naman po inggrato ang sambayanan at hindi po natin binabalewala iyong mga naging improvement.

 

Pero sa totoo lang po, ang ninanais po ng ating mga kababayan ay hindi lang po na mag-improve; ninanais din po ng ating mga kababayan iyong ninanais ng Globe at saka ng Smart na maging world-class,” ayon kay Sec. Roque

 

“At tapatan lang po tayo, at number 34 in Asia, I don’t think we are world class.

Kaya nga po ang mensahe ng Presidente, iniimbita naman po ang mga telecoms company sa Malacañang mismo at naimbita po si Mr. Cu, tinanong kung anong kinakailangan, nag-deliver naman po ang gobyerno. Pero ginagawa po ito ng Presidente at ng gobyerno dahil importante po that we should give the best service to the Filipino people. And yes, we should be world class,” dagdag na pahayag nito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Magpi-PBA hindi na daraan sa D-League

Posted on: December 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HINDI na magiging batayan ng mga papasok sa 37th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 ang paglalaro sa PBA Developmental League.

 

“Tatanggalin na ‘yung application ng D-League,” pahayag kahapon ni commissioner Willie Marcial. “Wala nang pre-requisite na D-League.”

 

Kasunod ito sa paglalabas na rin ng professional hoops league ng applications para sa mga rookie hopeful, pagsasabayin na ang deadline ng submission ng application forms para sa local at foreign-born players.

 

“January 27 deadline for both local and Fil-Ams,”hirit  ni Kume.

 

Inaayos na rin ang drafting, kung paano ang sa Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc (SBPI).

 

Noong Disyembre ng nakaraang taon, nagkaroon ng Special Draft bago ang Draft proper. Ang limang hinugot sa special proceedings ay naging core muna ng pool ng Gilas Pilipinas ng SBPI– magsisilbi sila sa National team bago pumanik sa kani-kanilang mother teams sa PBA.

 

“Hindi pa natin alam kung sino ang mga papasok (sa draft),” panapos na sambit ni Marcial. “Hindi pa alam kung ‘yung mga (naunang lima) ire-release na nila. ‘Pag nakuha namin ‘yung lineup, magmi-meeting pa ulit kami.” (REC)

Tiamzon mamumudmod ng mga bola’t net sa LuzVi

Posted on: December 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAMAMAHAGI ng bola at net ng volleyball bilang Pamasko  niya sa mga kabatan si Premier Volleyball League (PVL) star Nicole Anne Tiamzon sa ilang sa Luzon at Visayas.

 

Ito na ang huling proyekto ngayong taon ng ‘YSK Outreach ng Spike and Serve Philippines Incorporated’ na pinamumunuan mismo ng dalagang balibolista

 

Kaya nanawagan pa ang BanKo Perlas Spikers na outside spiker at team skipper sa mga may ginintuang puso na gusto siyang samahan sa kanyang kawanggawa sa nalalapit na pagtitipon.

 

“If meron kayong mga gamit na bola, pero pwede pa gamitin, and if you guys have an extra net na hindi niyo na rin ginagamit hope you can donate it to us so we can send it to the communities who needs our help especially the victims of the typhoons (coz na-washed-out din even their volleyball equipment,” wika ng 25-anyos at may taas na 5-6 na beteranang manlalaro.

 

Pinanapos niyang lahad: “This will be our Christmas gift to them para if okay na lahat and pwede na ulit maglaro they can use it na agad!”(REC)

Escortas Water Refilling Station na matatagpuan sa PSG compound, nasunog

Posted on: December 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Presidential Security Group (PSG) commander Brig. General Jesus Durante III, na  nasunog  ang Escortas Water Refilling Station na matatagpuan sa PSG Concessionaire area sa loob ng Malacañang Park.

 

Ang establisimyento ay hiwalay at malayo mula sa main Headquarters at pasilidad ng PSG.

 

Nangyari ang insidente dakong-alas  8:30 kahapon ng umaga kung saan ay agad namang rumesponde ang t Malacañang Fire Station (MFS) at nagdeklara ng fire out bandang alas- 9:15 ng umaga.

 

Napag-alaman isang heat gun ang naiwang nakasaksak ng crew habang nagde-deliver ng tubig ang naging dahilan ng sunog.

 

“The prompt response of a concerned PSG personnel actually prevented any escalation of fire. Estimated cost of damage is approximately more or less PhP 3,000.00 which only covers the portion where the heat gun was plugged,” anito.

 

Samantala, tiniyak naman ni Dutante na walang  personnel ang nasaktan o nasugatan mula sa nasabing insidente. (Daris Jose)

Target ng DOLE na mainspeksyon ang nasa 64k na mga establisimyento at kumpanya, nalampasan na

Posted on: December 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NALAGPASAN  na ng Department of  Labor and Employment (DoLE) ang target nito ngayong taon na maisailalim sa inspeksyon  ang 64,000 business establishments and companies sa bansa.

 

Layunin nitong malaman kung nasusunod ba ng mga nagbalik operasyon na mga negosyo ang health at labor standards na ipinatutupad ng gobyerno para sa kaligtasan at proteksyon ng kanilang mga manggagawa.

 

Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Benavidez, sa Laging Handa briefing,  simula pa noong ma-lift o  alisin ang total lockdown noong Hunyo sa NCR at sa malaking bahagi ng bansa ay sinimulan na aniya nila ang pag-iinspeksyon sa iba’t ibang mga kumpanya at establisimyento sa bansa.

 

Sinabi pa ni Benavidez, malaki ang naging tungkulin ng kanilang mga Labor inspector dahil ito ang nag-iikot at nagbabantay para matiyak na ligtas at napoprotektahan ng batas ang mga manggagawa sa panahon ng pandemya.

 

Katuwang nila sa isinagawang pag-iinspekyon ang DTI,  local government units at DoH kung saan ito’y para siguruhing naipatutupad ang tinatawag na minimum health protocols. (DARIS JOSE)

Slaughter nagpatali na

Posted on: December 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAKASAL na si Philippine Basketball Association (PBA) free agent Gregory William ‘Greg’ Slaughter ilang oras pagkakopo ng dati niyang team na Barangay Ginebra San Miguel sa 45th Philippine Cup 2020 championship nitong Miyerkoles ng gabi sa Angeles University Foundation Sports Arena sa Angeles, Pampanga.

 

Itinali angpuso ng 32-taong gulang, may taas na 7-0 talampakan na sentro sa may katagalan ma niyang kasintahang si Schinina Juban  araw ng Huwebes, Disyembre 10.

 

Sa Twitter account post ng basketbolista, may litrato sila ng dyowa habang nakasuot siya ng barong at wedding gown naman ang babae.

 

Walang nilagy si Slaughter na caption sa larawan nila, sa halip ay kinabitan ng emoji ng singsing, at ng  lalaki at babaeng ikinasal.

 

Pagkakopo ng 44th PBA Governors’ Cup nitong Enero, hindi na pumira ng bagong kontrata sa Gin Kings ang manlalaro at naglimayon sa Estados Unidos at doon na inabot ng lockdown.

 

Oktubre na nakabalik ng ‘Pinas ang Fil-Am baller, na nagparamdam na kay Ginebra coach Eael Timothy ‘Tim’ Cone na magbalik sa team sa 46th PBA PH Cup 2021 sa darating na Abril. (REC)

Del Rosario lusot laban kay Superal

Posted on: December 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAKAUNGOS si Pauline del Rosario sa matensyong, inulang duwelo kay Princess Mary Superal sa pagpasok ng par sa 17th habang bogey sa huli para sa one-stroke victory at at magreyna sa kakahataw lang na ICTSI Riviera Championship sa Silang, Cavite.

 

Magkabuhol ang dalawa pa-Langer course signature hole kung saan sinara ni Del Rosario ang third & final round sa 72 para sa 215 total upang hamigin ang P72K purse. Naka-216 aggregate at P52K si Superal sa two-tournament ng Ladies Philippine Golf Tour na pinandemya ng Covid-19.

 

“I didn’t think about the scores the whole round. I really just focused on playing my own game, given the strong rain which affected my club selections,” bulalas ni Del Rosario, 22, na binulilyaso rin ang pagwalis ng karibal na dumale sa ICTSI Riviera Invitational Challenge sa kalapit na Couples nitong Nobyembre.

 

May 77-266 para tumersera si Daniella Uy. (REC)

DOH, pinaiiwas muna ang publiko sa paggamit ng ‘torotot’ sa bagong taon

Posted on: December 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Sabay-sabay pinatunog ng ilang opisyal ng Department of Health (DOH) at iba pang ahensiya ang kanilang mga kaldero at ilan pang gamit sa bahay bilang hudyat ng kampanyang “Iwas Paputok ngayong Holiday Season.”

 

Pitong alternatibo ang inilatag ng DOH para maging gabay ng publiko na magdidiwang ng pasko at sasalubong sa bagong taon.

 

Kabilang na dito ang pagpalo ng tambol, pagpapa-ilaw ng glow sticks, pagbusina, pagpukpok ng mga kaldero, pag-alog ng alkansya, pagkumpas ng tambourine, at pagpapatugtog nang malakas.

 

Ayon sa ahensya, hindi muna nila inirerekomendang gamitin ng publiko na pagpa-ingay ang mga torotot.

 

“Huwag po tayong gagamit ng pampaingay na gumagamit sa bibig that will cause the tranfer of saliva. So ‘yung mga pito (whistle), ‘yung mga torotot, bawal po ngayon ‘yan. Kailangan naka-mask pa rin at nagsosocial diatancing,” ani Health Usec. Myrna Cabotaje.

 

Sa tala ng DOH, nabawasan ng 35% ang fireworks-related injury mula December 21, 2019 hanggang pagpasok ng January 1, 2020.

 

Mababa raw ito ng 87 kaso mula sa total na 251 cases nang salubungin ang 2019.

 

Numero unong sanhi ng mga insidente ang pagpapaputok gamit ang kwitis, lusis, fountain at piccolo.

 

May mga umiiral nang memorandum circular ang Department of Interior and Local Government (DILG) alinsunod sa Republic Act 7183, na naghihigpit sa manufacturing, pagbebenta, at paggamit ng firecrackers at iba pang uri ng paputok.

 

Sa ilalim ng batas, pinagtatakda ang bawat lokal na pamahalaan ng designated area kung saan lang pwedeng magsindi ng paputok ang mga residente.

 

“It is the mandate of the LGUs to protect their constituents, promote their general welfare, and ensure that their fireworks-related local ordinances, are will implemented and followed by their constituents,” ani Interior Asec. Odilon Pasaraba.

 

Sa Bocaue, Bulacan, na tinaguriang “Fireworks Capital of the Philippines” mas tumumal daw ang bentahan ngayon ng mga paputok. Ilang tindahan na rin ang nagsara dahil sa pandemya.

 

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), walang suggested retail price (SRP) ang produkto na tulad ng firecrackers at fireworks dahil hindi naman ito itinuturing na basic necessity. Pero may paalala rin sila sa publiko na bibili ng mga paputok.

 

“Just in case may makita tayo in the retail market, please make sure na ito yung label na nakalagay sa packaging: name, brand or trade name, and address of the manufacturer,” ani Trade Usec. Ruth Castelo.

 

“Of course it has to be made in the Philippines dahil bawal ang importation ng fireworks na finished product, that is by laws. It should have warning and precautionary signs, appropriate instructions for use, and then look for Philippine Standard mark issued by DTI.”

 

Naka-alerto na ang Philippine National Police, at Bureau of Fire Protection para sawayin ang mga magma-mass gatherings at banta ng sunog.

BTS napiling Entertainer of the Year ng TIME Magazine

Posted on: December 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Hinirang bilang Entertainer of the Year ng Time magazine ang K-pop group na BTS.

 

Sa Twitter account ng sikat na magazine ay ibinahagi nila ang pinakabagong cover nila kasama ang nasabing grupo.


Itinuturing kasi ng magazine na bukod sa pagiging pinakamalaking K-pop act sa charts ay sila na rin ang pinakamalaking banda sa buong mundo.

 

Bukod kasi sa paglabas ng maraming mga album ay maraming record na rin silang nabasag ngayong 2020.

Animal lover at Kapuso actress Carla Abellana, may feeding program sa mga stray animals

Posted on: December 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Siguradong ikatutuwa ng mga fans ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose ang balitang ito, dahil matutupad na ang request nila sa GMA Network na bigyan ng isang serye ang idolo nila.  Matagal-tagal na rin ang huling teleserye na ginawa ni Julie Anne, sa Kapuso Network, ang “My Guitar Princess,” noon pang July, 2018. 

 

Ngayon nga ay may upcoming series na gagawin si Julie Anne, ang “The Heartful Cafe,” na gagampanan niya ang online romance novelist na may-ari ng coffee shop, si Heart Fulgencio.  Makakasama niya si David Licauco bilang ang guwapo at goal-driven niyang co-investor, si Ace.  Kasama rin nila sina Zonia Mejia as Sol, pinsan ni Heart at Jamir Zabarte as the boy-next-door na si Buddy.

 

Sa serye, maghahatid si Julie Anne ng iba’t ibang kuwento ng pag-ibig para sa mga manonood sa GMA News TV.

 

Tamang-tamang may gagawing bagong serye si Julie Anne dahil matatapos na rin ang pagiging host panel niya, with Rayver Cruz, sa ongoing singing competition na “The Clash Season 3,” na napapanood tuwing Sabado, 7:15PM at Linggo, at 8:45PM, sa GMA-7.

 

*****

 

Sayang ang press launch via zoom conference na inihanda ng ToktokPhilippines, para sa first time nilang celebrity endorsers, ang phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza last Thursday, December 10.  Nagkaroon kasi ng technical glitz, kaya hindi magkarinigan sina Alden at Maine at ang mga invited press.  Magtatanong ang press, ibabato ito kina Alden at Maine pero hindi naman marinig ng press ang sagot nila.  Sinikap nilang maayos ang audio pero wala pa rin.

 

Si Dondon Sermino ang nagtanong kung ano ang feeling nina Alden at Maine, ngayon na after almost three years ay saka lamang sila muling nagsama sa isang endorsement?  Si Alden lamang ang nakasagot na “masaya po kami ni Maine dahil after one (na kinurek ni Maine na two) years ay muli kaming nagkasama sa isang TVCommercial.” Hindi ito narinig ni Dondon at ng ibang press at hindi rin nasagot ni Maine dahil wala siyang audio.

 

Hindi na tuloy nakapag-invite sina Alden at Maine sa mga gustong maging online franchise owner ng Toktok Ph, dahil hindi naayos ang audio.  Ginawa na lamang ang contract signing nila with the owners na sina Jonathan So at Carlito Macadangdang.

 

May mga vloggers na nag-cover ng press launch pero kung ano lamang ang napanood sa Facebook page ng Toktok Ph, iyon din lamang ang naibigay nila sa kanilang mga subscribers.

 

*****

 

Animal lover talaga si Kapuso actress Carla Abellana, kaya hindi kataka-taka na kahit busy pa siya sa lock-in taping ng GMA Telebabad series niyang “Love of my Life,” ay naghahanda pa rin siya ng feeding program para sa stray animals, ngayong papalapit na ang Pasko.

 

“Christmas is fast approaching and it’s time to make some strays feel this season too,” Instagram post ni Carla.  “Let’s all share  our  blessings by giving them one of the best gifts a stray dog or cat can get, a clean and decent meal.”

 

Isang feeding program ang inilunsad ni Carla mula December 21 to 28.  Nagpapasalamat na si Carla sa mga nagbibigay ng suporta sa kanyang advocacy. (Nora V. Calderon)