• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1 utas, 2 sugatan sa pananaksak ng lasing na lalaki sa harap ng resto bar sa Navotas

NALAMBAT ng pulisya ang isang lalaking walang habas na nanaksak sa harap ng isang resto bar na ikinasawi ng isa at malubhang ikinasugat ng dalawa pa sa Navotas City, Martes ng umaga.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang suspek na si alyas “Edsel”, nasa hustong gulang at residente ng Blk 33, Lot 9, Area 2 Brgy. NBBS Dagat-dagatan.

 

 

Lumabas sa imbestigasyon na nag-iinuman ang mga biktimang sina  alyas Jan, 28, alyas Darwin, 21, at alyas Lean, 21, sa Hangout Resto Bar sa Brgy. NBBN nang magsimula umanong magpamalas ng karahasan ang suspek na umiinom naman sa kabilang mesa.

 

 

Nang pauwi na ang mga biktima dakong alas-6:45 ng umaga, hindi sinasadyang nasagi ni ‘Jan’ ang suspek na pasuray-suray na rin umanong palabas ng bar dahil sa kalasingan na dahilan upang magkaroon sila ng pagtatalo.

 

 

Umawat naman sina ‘Darwin’ at ‘Lean’ subalit, biglang bumunot ng patalim ang suspek at walang habas na pinagsasaksak ang tatlo bago mabilis na tumakas patungo sa hindi nabatid na lugar.

 

 

Isinugod naman ang mga biktima sa Tondo Medical Center subalit, idineklarang patay na si ‘Jan’ habang patuloy pang ginagamot ang dalawa niyang kasama.

 

 

Kaagad na iniutos ni Col. Cortes ang pagtugis sa suspek at sa ginawang follow-up operation nina P/Capt. Archie Arceo, Commander ng Police Sub-Station 3, ay naaresto siya malapit sa kanyang tirahan.

 

 

Sasampahan ng kasong pagpatay at dalawang bilang na bigong pagpatay ang suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Higit 31-K Pulis fully vaccinated – ASCOTF

    Dahil sa banta ng Delta variant ng Covid-19 at sa inilabas na “stern reminder” ng pamunuan ng PNP nahikayat ang iba pang mga police personnel na magpabakuna.     Dahilan para tumaas pa ang bilang ng mga pulis na nabakunahan laban sa Covid-19.     Magugunita sa previous data ng ASCOTF nasa 8.5% sa mga […]

  • 17-M tickets ni-request ng mga fans para sa FIFA World Cup Qatar 2022

    UMAABOT sa kabuuang 17 million na mga tickets ang hiniling umano ng mga football fans mula ng buksan ang bentahan ng tickets para sa nalalapit na FIFA World Cup Qatar 2022.     Sinasabing inabot lamang ng 20 araw ang sales period na nagtapos ngayon kung saan ang pinakamaraming mga request ay nagmula sa host […]

  • Possible paralysis kung ‘di naagapan ng doktor… KC, nakaranas ng matinding ‘neurological effect’ dahil sa COVID-19

    SA Instagram Story ni KC Concepion noong Friday, May 6, ibinahagi na nakaranas siya ng matinding neurological effect dahil sa pagkakaroon ng COVID-19.     Kaya naman ganun na lang pasasalamat sa kanyang doktor dahil naagapan ang kanyang sakit.     “I have my dearest doctor, the brilliant Dr. Albert Recio @harvardhopkinsmd to thank, for […]