1-week academic healthbreak sa mga paaralan sa Maynila, iniutos ni Yorme
- Published on January 15, 2022
- by @peoplesbalita
INUMPISAHANG ipatupad kahapon, Biyernes ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang isang linggong ‘healthbreak’ sa mga paaralan sa siyudad upang makapagpahinga umano ang mga guro at mag-aaral.
Inanunsyo ni Manila City Mayor Isko Moreno ang ‘healthbreak’ umpisa Enero 14 hanggang Enero 21 sa lahat ng lebel ng mga pampubliko at pribadong paaralan.
“The City of Manila is now declaring a healthbreak, starting January 14 to Jan. 21, wala pong pasok whether online o physical classes (at) all levels,” ayon kay Moreno.
Ikinatwiran ng alkalde na ang desisyon ay dahil sa patuloy na tumataas na impeksyon sa mga komunidad at maging sa loob ng mga bahay na dahilan ng pagtaas rin ng lebel ng ‘anxiety’ o agam-agam ng publiko.
Samantala, ginawa nang 24 oras ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang ipinatutupad nilang ‘drive-thru vaccination’ sa may Quirino Grandstand makaraan ang mataas na ‘demand’ ng publiko.
Magiging epektibo ito umpisa alas-12:01 ng Biyernes ng madaling araw. Kasunod nito, wala na umanong ‘limit’ ang kapasidad ng behikulo na seserbisyuhan sa Luneta.
Ang pagbibigay ng bakuna maging sa mga hindi residente ng Maynila ay ipagpapatuloy hanggang may suplay umano ng bakuna ang lokal na pamahalaan ng Maynila. (Gene Adsuara)
-
Pagdami ng fake FB accounts, ‘very unusual’: NPC chief
Sinabi ng National Privacy Commission (NPC) na mapanganib ang umano’y proliferation ng mga pekeng Facebook account lalo pa at ginagamit ito ng walang awtorisasyon. Sa panayam, sinabi ni NPC Commissioner Raymund Liboro na “very unusual” ang nangyaring ito. “Sa karanasan ng NPC, unusual ‘to. ‘Yung mga impostor account, dummy account, ‘yan ay bahagi […]
-
MARCH 1, DEADLINE SA MGA DAYUHAN NA MAGPA-FILE NG AR
NAGPAALALA ang Bureau of Immigration (BI) sa lahat ng mga dayuhan na nakarehistro sa ahensiya na mayroon na lamang hanggang March 01 upang mag-file ng kanilang 2022 annual report (AR). Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na hindi katulad noong nakaraang taon na nagbigay ang kagawaran ng extension, ngayong taon ay hindi na […]
-
OPERASYON NG NBI SA BACOLOD, SINUSPINDE
SINUSPINDE ang operasyon ng isang sangay ng National Bureau of Investigation(NBI) sa Bacolod matapos na magpositibo sa Covid-19 ang lima nitong personnel. Ayon sa NBI, kapwa personnel ng administrative at clearance section ang mga nagpositibo sa sakit. Hanggang Enero 22 umano suspindido ang operasyon at muling magbubukas sa Enero 25, araw ng Lunes. Sinabi naman […]