• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OPERASYON NG NBI SA BACOLOD, SINUSPINDE

SINUSPINDE  ang operasyon ng isang sangay ng National Bureau of Investigation(NBI) sa Bacolod matapos na magpositibo sa Covid-19 ang lima nitong personnel.

Ayon  sa NBI,  kapwa personnel ng administrative at clearance  section  ang mga nagpositibo sa sakit.

Hanggang Enero 22 umano suspindido  ang operasyon at muling magbubukas sa Enero 25, araw ng Lunes.

Sinabi naman ni Atty. Renoir Baldovino, pinuno  ng NBI-Bacolod na ang mga positive cases ay dinala na sa quarantine facility habang nagpapagaling .

Nagsasaghawa na rin ng contact  tracing sa maaring nakasalamuha ng mga nagpositibo na nakaranas umano ng mild symptoms.

Habang ang iba pang personnel ng nasabing sangay ng NBI ay nasuri naming negatibo sa isinagawang swab testing. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Gobyerno, handang tulungan ang mga Pinoy sa Taiwan –PBBM

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga manggagawang Filipino sa Taiwan na handa ang gobyerno ng Pilipinas na tulungan at suportahan ang mga ito ngayong “difficult times” kasunod ng malakas na lindol na tumama at yumanig sa isla, araw ng Miyerkules.       “We stand ready to assist and support our fellow […]

  • Ilegal na droga, “never-ending one” na problema ng bansa – PDu30

    PUMIYOK si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang problema sa ilegal na droga ay maituturing na “never-ending one” at kapag hindi naresolba ay maaaring malagay ang bansa sa kontrol ng narco-politicians.   “But if you want to see how it can destroy a country, just look at Mexico, [Sinaloa]. They are the ones who dictate […]

  • Jovita Espenida-Meneses, natatanging Alagad ng Sining sa Sayaw

    LUNGSOD NG MALOLOS- Bilang pagbibigay-pugay sa isang mahusay na mananayaw at guro na ginugol ang kanyang buhay sa pagpapayaman ng sining ng sayaw sa mga estudyanteng Bulakenyo, binigyang parangal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office si Jovita Espenida-Meneses, isang Natatanging Alagad ng Sining sa Sayaw sa […]