10 alkalde na ‘no show’ kay #RollyPH pinalulutang ng DILG
- Published on November 5, 2020
- by @peoplesbalita
PINALULUTANG ngayon ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang 10 alkalde na napaulat na umanoy ‘missing in action’ sa kasagsagan ng pananalasa ng Super Typhoon Rolly.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, 10 sa kabuuang 1,047 alkalde na ‘nawala’ noong panahon ng bagyo ang pinadalhan na nila ng ‘show cause orders’ nitong Martes upang makapagpaliwanag hinggil sa isyu.
“So 99% po ay nasa kanilang mga lugar upang mag supervise. Yung sampung nawala ay na iden- tify na namin at ito ay aking pagpapaliwanagin,” pahayag pa ni Año, sa isang pulong kay Pang. Rodrigo Duterte.
Samantala, sinabi naman ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na bibigyan nila ng limang araw ang mga naturang alkalde upang makapagsumite ng kanilang paliwanag sa ipinadalang show cause orders sa kanila.
Tumanggi pa naman muna ang mga DILG officials na pangalanan ang mga naturang nawalang alkalde habang hindi pa natatatanggap ang tugon at paliwanag ng mga ito.
Sinabi ni Malaya na ang mga mapapatunayang nagpabaya sa kanilang tungkulin sa panahon ng kalamidad ay maaaring maharap sa kasong administratibo sa Office of the Ombudsman.
Nabatid na natukoy ng DILG ang pagkawala ng mga naturang alkalde sa pamamagitan ng kanilang operations officers na nakaistasyon sa bawat local government unit (LGU).
Sinabi ni Año na habang paparating pa lang ang bagyo ay itinaas na ng DILG ang warnings at naglabas din sila ng checklist na dapat na isagawa ng mga lokal na pamahalaan.
Aniya, ilan sa mga ito ay nangangailangan ng presensiya ng mga alkalde, gaya na lamang ng pag-convene ng local disaster risk reduction and management council sa kanilang lugar, dahil ang alkalde lamang aniya ang maaaring magsagawa nito.
Una nang pinagsabihan ng DILG ang mga alkalde at mga gobernador ng mga lalawigan na dapat na nasa kani-kanila silang mga lokalidad na kanilang pinamumunuan bago o sa kasagsagan ng kalamidad at maging sa pagkatapos nito.
Binigyang diin ng DILG chief, bilang lider ng local disaster risk reduction and management councils, dapat aniyang personal na pamunuan ng mga alkalde ang paghahanda at pagsasagawa ng aksiyon upang mapigilan ang anumang posibleng pinsalang hatid ng bagyo at iba pang kalamidad sa kanilang nasasakupan.
-
PRO-PH DIPLOMATIC POLICY ISUSULONG NG UNITEAM
SINIGURO ng BBM-Sara UniTeam na ang kanilang diplomatic policy ay hindi para sa interes ng ibang bansa o alinmang superpower nation kundi para isulong lang ang kapakanan ng Pilipinas at ng mga mamamayan. Sa panayam ng social media influencer na si Thinking Pinoy, agad itong sinagot ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., […]
-
Saso hahataw sa Japan Classic
Muling sasalang sa aksyon si 2021 US Women’s Open champion Yuka Saso sa kanyang paglahok sa Toto Japan Classic bukas sa Seta Golf Course sa Shiga Prefecture. Hangad ng 20-anyos na Fil-Japanese golfer na makopo ang korona sa nasabing 72-hole tournament hindi niya napasakamay noong nakaraang taon. Ito ang unang torneo […]
-
JANINE, sumabak agad sa iconic drama anthology na ‘MMK’ kasama si JM
KAMAKAILAN lamang pumirma ng kontrata si Janine Gutierrez sa ABS-CBN pero may guesting na agad siya sa top-rating and iconic drama anthology na Maalaala Mo Kaya this Saturday. Katambal pa niya ang mahusay na actor na si JM De Guzman. Maagap ang ABS-CBN sa pagbibigay agad ng acting assignment sa Gawad […]